Chapter 4

45 1 0
                                    

When I returned, they were all surprised.

When mom saw me, she exclaimed, “Oh, my gosh!” napatakip siya sa bibig niya at nangingilid na rin ang mga luha niya. “Oh, my gosh! My daughter is back!” sambit niya at halos madapa pa siya sa paglapit niya sa ‘kin at dinamba niya ako ng yakap kaya napabitaw ako sa kamay ng mga bata at sinalubong ng yakap si mom.

“Scarlett!” mahinang bulong ni mommy habang yakap niya ako. Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko habang kayakap ko siya.

I miss her so much.

“Mommy,” mangiyak-ngiyak na tawag ko sa kan’ya kaya mas lalo siyang umiyak.

Ramdam ko ang pangungulila niya sa ‘kin. Kapag may problema ako, siya rin ang nagiging sandalan ko at palagi niya rin akong pinaaalalahanan na maging matatag ako sa buhay.

Nang lapitan ako ni dad ay tinawag niya ako, “My princess,” n

Napakalas naman ako sa pagyakap ko kay mom pero napansin ko namang umatras si mom at napaiwas ng tingin sa ‘kin.

Ano namang nangyari sa kanilang dalawa? May nangyari ba habang wala ako? Ito ba yung narinig ko kay manang Lydia?

“Daddy,” nakangiting tawag ko sa kan’ya at niyakap ko rin siya ramdam ko rin ang paghigpit ng yakap ni dad sa’kin at naramdaman ko na lang din ang luhang tumulo sa balikat ko.

Ngayon ko lang nakitang umiyak si daddy dahil kilala ko siya na matapang at matatag. Ramdam ko ang pagmamahal sa’kin ng magulang ko, hindi rin sila nagkulang sa’kin pero hindi ako karapat-dapat maging anak nila dahil sa nagawa kong katangahan noon. Wala silang kaalam-alam na nagkaroon na ako ng anak sa lalaking pinagtaksilan naman ako.

“Fuck! Scarlett!”

“Oh, myyy! Nagbalik na siya!”

“Hi cous!”

Napabitaw ako kay daddy at ngumiti sa kanilang lahat. Kumpleto ang mga Knight ngayong gabi dahil ikakasal na ang kapatid ko.

Speaking of her...

Napasulyap ako sa kan’ya at napansin ko kung paano siya namutla at humigpit ang pagkakapit niha kay Dominic na tila aagawin ko ito sa kan’ya.

“Hi, ate. I’m back,” mahina ngunit may diin na sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at tila hindi alam kung paano ako sasagutin.

Gan’yan ka ba katakot na nagbalik na’ko? Anong pakiramdam na sayo na ang asawa ko?

Napangisi ako ng mapait, at napaiwas na lang ng tingin sa kan'ya at binalingan ko ang mga anak ko na todo ang kapit sa laylayan ng dress ko, na nagtatago sa may likuran ko.

Lumingon ako sa mga anak ko at nginitian sila kaya nakayuko silang lumabas sa likuran ko.

“Mom and Dad, alam kong matagal akong nawala pero may dahilan ako...” huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay ng mga anak ko. "Hmm.." natawa ako na kinakabahan dahil natatakot ako sa mga magiging reaction nila. “I have two kids. Sila ang dahilan kung bakit mas pinili kong umalis at lumayo,” sambit ko. Hinarap ko ang dalawa kong anak na tila nahihiya naman sa kanila.

Napatingin ako kay Dominic na natigilan pero napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya saka ako ngumiti sa kanilang lahat. Ramdam kong natigilan sila at natahimik dahil sa isang balitang alam kong ikakagunaw ng mundo nila.

Halos limang taon akong nawala at sa pagbalik ko may dalawang bata na akong kasama. Bahala na sila kung anong pwede nilang isipin sa’kin basta mananatili lang lihim, ang lihim ko.

“Mommy, ayaw ata nila sa’min. I-I’m scared...” bulong ni Carrie na sobra ang pagkakakapit niya sa bewang ko.

“Let’s leave, mom. I don’t want to be here!” nakasimangot na sambit ng anak kong si Agustin.

Her TearsWhere stories live. Discover now