Chapter 18

7 1 0
                                    

THIRD POV

Pagkatapos ng mg mga kaganapan sa naging meeting, gumawa naman ng plano si Dominic para patunayan na siya ang ama ng mga anak ni Scarlett. Nakakuha siya ng gamit ng mga bata para ipa-DNA ito. Kahit nararamdaman niyang mga anak niya ang mga bata pero gusto lang niyang makasigurado para hindi na makakapagsinungaling si Scarlett sa kan’ya.

“Mr. Stone?”

Napatingala si Dominic, at napahinga ng malalim bago siya tumayo para kausapin ang doctor.

“W-what are you doing here?” tanong ng doctor ng pamilya nila.

Napahawak siya ng mahigpit sa envelope na naglalaman ng gamit ng dalawang anak ni Scarlett dahil desidido na siyang gawin ito.

Alam din niyang ikakagalit ni Scarlett ang gagawin niya pero nasa isip niyang may karapatan din naman siya kung sakaling anak niya ang mga ito.

“May gusto lang akong siguraduhin.” sambit niya. Natigilan naman ang Doctor at nag-alangan pang papasukin siya sa loob ng opisina ng doktor.

“Ano ang gusto mong ipagawa sa’kin, Mr.Stone?”

Huminga siya ng malalim at inilapag niya sa lamesa ang envelope na hawak niya. “Gusto kong magpa-DNA.” sambit ni Dominic. Nanlaki naman ang mata ng doctor dahil sa mga sinabi nito sa kan’ya.

“D-DNA?”

“Hmm...” Tumango siya at tumingin sa doctor. “Gusto kong siguraduhin kung match ba kami ng mga batang gumamit nito.” sambit niya. Napatingin na lang ang doctor pero tumango na lang ito at hinawakan niya ang mga gamit at ngumiti siya dito.

“Ako na ang bahala rito, Mr.Stone.” sambit ng doktor.

Tumango naman siya. “Maghihintay ako ng resulta,” sambit niya sa doctor.

Habang isinasagawa ang DNA, wala siyang ibang dasal kun’di na sana maging positive para kung sakaling anak niya ang mga bata, hindi na niya hahayaan na mawala pa ang mga ito sa kan’ya.

Gusto niyang lapitan ang mga anak ni Scarlett pero hindi naman siya makalapit dahil inilalayo ang mga bata sa kan’ya, ni ayaw ipalapit ang mga ito sa kan’ya.

Hindi naman niya masisisi si Scarlett sa ginagawa nito, dahil malaki ang kasalanan niya sa kanyang pamilya at alam naman niyang pinoprotektahan lang ni Scarlett ang mga anak nito kaya wala rin siyang magawa kundi ang intindihin ang nararamdaman nito.

Labis din ang pagsisisi niya dahil sa ksalanan na nagawa niya kung hindi lang siya nagpa-blackmail kay Sophia, baka sakaling hindi nawala ang pamilyang binuo nila noon. Hindi rin sana ganito kagulo ang meron ngayon.

Isang buwan na ang nakalipas at tapos na ang DNA na hinihintay niya. Huminga siya ng malalim at tuluyan na siyang pumasok sa opisina ng doktor. Nakangiti naman ang doktor sa kan’ya at sinenyasan siyang maupo na.

“Are you ready for the result?” tanong ng doktor. Tumango lang siya, hindi na rin siya makapagsalita dahil kinakabahan siya sa magiging resulta.

“The Result is....”

Napapikit na siya ng mariin at hinanda ko na ang tenga niya para marinig ang resulta.

“...Positive 99.9% magkamatch kayo Mr. Stone. Congratulations!”

Napadilat na ang mga mata niya kasabay ng paglaki nito. Hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ng doktor pero nung tumango ito sa kan’ya, labis ang saya niya dahil tama ang hinala niya na siya ang ama ng mga anak ni Scarlett. Nanginginig pa ang kamay niya habang inaabot ang DNA test, pero binasa niya ulit para makasigurado siya.

Her TearsWhere stories live. Discover now