Chapter 21

9 1 0
                                    

“WHAT HAPPENED?” tanong ni Rios at pinaandar na niya ang sasakyan niya. Nakangisi naman na umiling lang ako kay Rios.

“Wala lang. Gusto daw ako ihatid, eh ayoko nga siya makita miski anino niya.” sambit ko at napakrus na lang ako sa braso dahil late nanaman ako sa meeting. Napailing na lang si Rios at pinaharurot na niya ang sasakyan niya paalis ng mansion.

“Para kayong mga bata kapag nag-aaway,” nakangising sambit ni Rios.

Nawala naman ang ngisi ko at umiwas ako ng tingin sa kan’ya. Nahihiya rin akong harapin siya dahil sa ginawa ko sa kan’ya kagabi.

Bumuntong-hininga na lang ako at umiling. “Wala nang maibabalik, Rios.”

He nodded. “I know, dahil hindi rin naman talaga madali ang mga pinagdaanan mo at saksi rin ako ro’n pero—” Napahinto siya at nilingon ako bago ngumisi sa'kin “—malay mo naman may magandang dahilan si Dominic kung bakit niya nagawa 'yon, at malay mo rin yung taong ahas na 'yon eh, ahas talaga.” sambit niya habang nakangisi kaya nilingon ko siya pero diretso lang ang tingin niya. Napakunot naman ang noo ko pero pinagkibit-balikat ko na lang dahil minsan kakaiba talagang mag-isip si Rios.

Minsan din hindi talaga namin mabasa ang mga kilos niya. Kay kuya Carter yata siya nagmana.

Sabagay do’n sila nagkakasundong dalawa, TSK.

“May galit ka ba kay Sophia?” tanong ko. Natawa lang siya at napailing lamg dahil mukhang akala niya isang malaking joke ang tanong ko.

“Kung sa galit lang, sobra. Lalo na yung ginawa niya sa’yo. Walang kapatawaran ang ginawa ni Sophia  kung hindi ko lang siya pinsan o ‘di kaya kapatid mo, baka matagal ko na siyang hindi ni respeto.” seryosong sambit niya sa'kin at napalunok na lang din ako dahil kakaiba rin siya kapag nag seryoso. “Don’t worry, malalaman din natin ang may kagagawan ng lahat.”

Kumunot ang noo ko pero tikom pa rin ang bibig ko. Ano yung sinasabi niya para malaman namin kung sino ang may kagagawan ng lahat? Yung nangyari bang engkwentro sa pagitan ko at sa pagitan ng mga tauhan ni Young?

Isa yun sa mga gusto kong malaman kung sino ang gusto talagang pumatay sa’kin.

“We’re here.”

Napakurap naman ako nang makarating na kami sa office at tinanggal ko na ang seatbelt tsaka ko nilingon si Rios.

“Magtataxi na lang ako mamaya. Thanks, Rios.” bineso ko na siya at bumaba na ako ng sasakyan niya pero tumingin ulit ako sa kan’ya. “I’m sorry for last night.” sambit ko. Umiling lang siya at ngumisi sa’kin kaya lumayo na ako sa sasakyan niya at tinapik na lang ang sasakyan.

Akala ko aalis na siya pero binaba pa niya ang bintana ng sasakyan niya.

“Ipapasundo kita kay kuya!” sigaw niya mula sa loob ng sasakyan.

Umiling lang ako sa kan’ya at kumaway na lang bago ako tumakbo papasok sa loob ng bar at dumiretso ako sa opisina ko pero papasok pa lang ako, naririnig ko na ang sigaw sa loob ng opisina ko.

“Where is the owner?! Sayang ang pagpunta ko rito kung malalate lang siya!”

“Parating na ho siya Ms. Madrid.”

“Disrespectful!”

Inayos ko na ang sarili ko bago ko binuksan ang opisina ko kaya natigilan ang mga nasa loob.

Lahat sila nag bow sa’kin kaya nginitian ko lang sila. Napatingin ako sa babaeng nakatayo at kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala.

“Ah!” Lumapit sa’kin si Lisa at pinakilala niya ako sa matandang babae na nakataas ang kilay sa akin. “Ms. Knight, this is Solen Madrid, one of our investor,” sambit niya.

Her TearsWhere stories live. Discover now