Chapter 13

45 6 0
                                    

"A-anong binabalak mo, huh?!" tanong ko at pinagsusuntok ko ulit siya pero bigla niyang ako binaba kaya binalak kong tumakbo palabas ng cr pero nahablot niya ang buhok ko.

"Where are you planning to go?" Nakangising tanong niya. Inis ko naman siyang nilingon at nagpupumiglas muli sa hawak niya. "Magsusumbong ka? Kanino? Sa mga pinsan mong mahihina?" natatawang tanong muli niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero binalak niyang hawakan ang mukha ko nang umiwas ako sa kan'ya.

Nakakadiri siya. Nandidiri ako sa kan'ya. Akala ko maaari ko siyang pakiusapan na umalis na pero hindi pala talaga siya marunong makinig.

"Ano ba talagang kailangan mo, huh?! Bakit kinakailangan mong idamay si chairman?!" tanong ko sa kan'ya. Pero natigilan ako nang may naaalala ako kaya tumingin ako sa kan'ya.
"Hindi siya ang target niyo! Kun'di ako!" sigaw ko at hinawakan ko ang braso niya saka ko siya binalibag sa sahig.

Inayos ko na ang damit ko at napasuklay sa buhok ko para tignan ulit si Gino. "Tama ako, hindi ba? Ako talaga ang target dahil hindi ako hahabulin ng mga tauhan mo kung si chairman talaga ang target niyo!" sigaw ko at hinablot ko siya sa kwelyuhan niya. "Bakit, huh? Bakit ako ang target niyo?! Paano niyo nalamang nakabalik na ako?!" gigil na tanong ko at humigpit ang hawak ko sa kwelyo ng damit niya.

"Sumagot ka!" sigaw ko pero natigilan ako nang humalakhak lang siya kaya nagugulat akong nabitawan ko siya. May kakaiba sa kan'ya kaya napaatras na lang ako nang makita kong para siyang lango.

"TSK." ngumisi si Gino at pinunasan niya ang labi niya. "Gusto mo malaman kung bakit ko ginawa 'yon?" tanong niya at tumayo na siya kaya mas napaatras ako. "Dahil may nagbayad sa'kin para patayin ang isang Scarlett Knight. Sila rin ang nagsabing nagbalik ka na kaya kinuha nila ako para sa plano nila." sambit niya, at natigilan naman ako.

Anong sinabi niya? May nagbayad sa kanya para gawin ang pang-aambush na 'yon dahil para maalarma kami at para mapatunayan din na nagbalik na ako. Napailing ako dahil tama nga ang hinala kong ako nga ang target nila at hindi ang chairman.

"Hindi naman talaga kasi talaga si chairman Knight ang target, kun'di ikaw." ngumisi siya at dinilaan niya muli ang labi niya. "I used him against you. Pero napatay mo ang mga tauhan ko." nakangising sambit niya. Natulala na lang ako at napakuyom ang kamao ko.

Ginamit niya ang chairman para magpakita ako sa kanila at kamuntikan pang madamay ang mga anak ko. Tang'naz Nadiinan ko ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa galit. Sinamaan ko siya ng tingin habang naluluha ako. "Hindi niyo ba alam kung anong perwisyo ang ginawa niyo sa pamilya ko?! Muntikan pang madamay ang mga anak ko!" sigaw ko at galit ko siyang sinugod pero magaling siyang umiwas.

"Kung gusto niyo akong patayin! Sa akin kayo dumiretso hindi sa pamilya ko! Pagbabayaran mo 'to!" naluluhang sigaw ko at susuntukin ko na siya nang mahawakan niya ang pulsuhan ko. "Damn it! Bitawan mo ako! Damn you all!" sigaw ko, at pinagsisipa ko siya pero sinikmuraan niya ako ng malakas kaya napaluhod na ako.

Hinablot niya ang buhok ko at inangat niya ang ulo ko. "Isa ka lang mahina, Scarlett Knight." bulong niya at sinampal niya ako pero hindi ko 'yon ininda, kung nakakamatay lang ang tingin ay pinaglalamayan na siguro siya.
"Isa kang kahihiyan sa pamilyang Knight. Isa kang walang kwentang anak. At isang mahina." sambit niya at bumulalas siya ng tawa. Nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko kaya sinipsip ko 'yon at idinura. "Kaya ka nga naiputan sa ulo ng sinasabi mong asawa mo,"

Natigilan ako. Paano niya nalaman ang tungkol do'n? May nalalaman ba siya sa mga nangyari sa'kin?

"Kaya ka siguro niloko ni Mr. Stone, dahil ayaw niya sa babaeng katulad mong tanga at mahina. Kaya ka siguro pinagpalit dahil wala ka talagang kwenta." tumawa siya na para bang nasisiyahan siya sa mga sinasabi niya. "Paanong ikaw pa ang napili para pumalit sa trono? Ni hindi ka nga makatakas mula sa'kin." sambit niya at inangat niya ang ulo ko para makita niya ang mukha ko pero natigilan siya nang makita niya ako.

Her TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon