Chapter 7

45 3 0
                                    

Dahil sa nangyari kanina nawalan ng gana ang mga bata na maglaro sa mall. Kaya ang ginawa ni Kuya Erin binilhan sila ng mga paborito nilang laruan para kahit papaano maging masaya sila sa pamamasyal.

“Let’s talk.” sambit ni kuya Erin kaya napalingon ako sa kan’ya na inabutan naman ako ng coffee. Ngumiti lang ako at napasandal sa inuupuan ko.

“Hindi ako bulag Scarlett at hindi rin ako bingi. Alam kong may nangyayari sa inyong tatlo,” sambit niya.

Napatingin naman ako sa mga bata na nilalaro ang mga regalo na binili sa kanila ni kuya Erin.

“I’m your cousin, Scarlett, and you can talk to me whenever you want.” dagdag pa niya. Hinaplos ko naman ang buhok ni Carrie bago ako humarap kay kuya Erin.

“Saan ba ako magsisimula?” tanong ko at napahinga ako ng malalim.

“Scarlett.”

Natigilan ako at nawala ang ngiti sa mga labi ko.

“Kuya, you’re aware of our rules and boundaries. You are aware that I am not allowed to have a boyfriend, aren't you? Pero sinuway ko yun, sinuway ko ang batas ni chairman para sa’kin.” napatingala ako nang maramdaman kong may luha nanamang pumapatak mula sa mga mata ko. “Sumuway ako, hindi dahil gusto kong mag bulakbol. Kun’di dahil gusto kong makalaya. Gusto kong maging masaya na walang halong takot at malayo sa gulo,” sambit ko. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko  at ngumiti ako kay kuya Erin na nakikinig lang sa mga sinasabi ko.

“Mula noon pang mga bata tayo ay kilala na ng pamilya natin at ang pamilya ni Dominic. Maayos ang pagsasama ng bawat pamilya natin. Ayoko pa nga noon kay Dominic, because he’s a playboy.” napangiti ako dahil yun ang totoo. “Masyado siyang pilyo pero dahil sa ugali niyang ‘yon doon ako nahulog sa kaniya.” nakangiting pagkukuwento ko kay kuya Erin at binabalikan ko ang nakaraan kung saan nahulog kami sa isa't-isa.

“I was in love with Dominic, but I knew we couldn’t be together because of the chairman’s rules.” sambit ko, dahil alam naman niya ‘yon. “Pinigilan ko ang nararamdaman ko sa kaniya noon, dahil ayokong magkaroon ng lamat ang bawat pamilya natin kaya kahit nasasaktan ako tiniis ko para lang hindi magkagulo.”

Napasimsim ako sa coffee at nilingon ko ang mga anak ko na masaya nang naglalaro kaya napangiti na lang ako.

“Pero hindi rin nagtagal nagkaaminan kami ni Dominic na mahal na mahal namin ang isa't-isa. Tinago na lang namin ang relasyon namin.” nilingon ko siya at napansin kong nakakunot na ang noo ni Erin. "Dahil mahal ko siya mas pinili kong sumuway sa batas, mas pinili kong mahalin si Dominic, dahil alam kong mahal niya rin ako.” Napaiwas ako ng tingin sa kan’ya.

“Wala kaming pinagsabihan sa relasyon namin na kahit na sino, maliban kay Claire. Pero nahuli kami ni Sophia, nahuli niyang may relasyon kami.” sambit ko. Napakuyom ang kamao ko pagkabanggit pa lamang ng pangalan ni Sophia. Napansin kong nanginginig na rin ang mga kamay ko kaya itinago ko ito kay Erin.

“Akala ko isusumbong niya kami pero hindi dahil mas sumuporta siya sa relasyon namin. Kahit alam kong may gusto rin siya kay Dominic ay mas pinili niyang pagtakpan kami.” natawa ako dahil akala ko talaga sumusuporta si Sophia sa relasyon namin ni Dominic. “Nagtagal ang lihim ng relasyon namin ni Dominic ng mahigit na isang taon, at dahil nga mahal na mahal namin ang isa't-isa nag-decide kaming magpakasal ng patago.”

Napalingon ako kay kuya Erin nang marinig ako na parang may nayupi. Nabigla ako ng mapansing nakakuyom ang dalawa niyang kamao.

“Kuya E-Erin...” nag-aalalang tawag ko sa kaniya. Umiling lang siya sa’kin at walang emosyon lang siyang nakatingin sa’kin.

Her TearsWhere stories live. Discover now