Chapter 16

10 1 0
                                    

ERIN KNIGHT’s POV

“Kuya Erin! Sabihin muna kasi kung ano ba talagang nangyayari?!” sambit ni Lux. Ginulo ko naman ang buhok ko sa inis dahil kanina pa nila ako kinukulit about sa mga nangyayari.

Pagkatapos ng meeting nung nakaraan, marami ang na disappoint kay lolo pati na rin sa parents namin lalo na kaming magpipinsan. Hindi ko alam bakit gano’n na ang nangyayari na para bang may mali.

“Hindi ko rin alam,” sagot ko na lang kay Lux at bumuntong-hininga. “Lahat naman tayo nagulat sa mga pinagsasasabi ni lolo.” napailing na lang ako at napakrus ang mga braso ko. 

Napatigil lang ako nang huminto sa harapan ko si Lux kaya napaangat ang tingin ko sa kan’ya. “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

“Yun ba yung tinutukoy ko? Syempre hindi! Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi ni lolo dahil puro lang naman ’yon nonsense!” sigaw niya. Napangiwi naman ako at napakamot sa ulo dahil akala ko yun ang tinutukoy niya. “Tell us the truth!”

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila dahil hindi naman ako pwedeng magsabi no’n kun’di si Scarlett lang. Ayoko namang pangunahan siya, lalo na't masyado ng komplikado na ang lahat.

Ang paglilipat ng trono kay Sophia at ang pagdeclara ni Dominic na hindi niya itutuloy ang kasal.

F–ck! Bakit ba kasi ginagawa nilang komplikado ang lahat?! Ano rin ang naisipan ni lolo na ibigay kay Sophia lahat?! TSK. Para kasi talagang may mali. Napapansin ko rin na para bang hindi rin gusto ni lolo ang mga sinasabi niya.

Sinusubukan ko rin kausapin si Scarlett pero wala siyang pinapansin miski isa sa amin. Nginingitian niya lang kami at magkukulong ulit sa kwarto niya, siguro masyado lang din siyang nasasaktan sa mga nangyayari kilala ko si Scarlett Venice, ang pinaka mabait naming bunso.

Hindi siya marunong magalit kahit napipikon na siya at idadaan lang niya sa ngiti ang mga problema
niya. Hindi rin niya pinapakita sa amin kung gaano siya nasasaktan. Mas pinipili niyang maging matapang at matatag sa harap namin, pero hindi namin kailanman nababasa ang mga iniisip niya lalo na ang mga kinikilos niya mula pa noong mga bata kami.

Naaalala ko pa yung mga sinabi sa amin ni lolo noon na... “Matalino si Scarlett, alam niya kung ano ang pwede o hindi pwedeng gawin. Sa kan’ya dapat tayo matakot at hindi sa kalaban.” Ano nman ibig niyang sabihin doon?

Basta ang alam ko lang nagbago si lolo nung nalaman naming nawawala si Scarlett noon. Nung malaman din naming umalis siya ng walang paalam. Halos lahat kami naghanap sa kan’ya pero tama nga ang sinabi nila, mahirap hanapin ang ayaw magpahanap kaya lahat kami nahirapan na hanapin siya. Muntikan pa nga kaming parusahan ni Carter dahil hindi namin natagpuan kung nasaan si Scarlett. TSK.

Napakurap ako nang makarinig ako ng kalabog kaya napatingin ako sa mga pinsan namin.

“I hate her!” sambit ni Arabelle. Bunsong kapatid nila Arthur at Aiden.
“I hate Sophia! Bakit siya pa?! May alam ba siya sa ginagawa natin?! Ni ang magtrabaho nga hindi niya magawa!”

She’s right. Bata pa lang kami hindi na nakikisali si Sophia sa ginagawa namin, kesyo tinatamad daw siya at ayaw niya raw na pagpawisan. May training bang hindi ka pagpapawisan? Minsan iisipin kong may sayad sa utak si Sophia.

Nung mawala si Scarlett in-anunsyo niya na may kasama pang pag-iyak na sumama raw si Scarlett sa lalaki, at hindi na muling babalik pa. Wala namang imik no’n si lolo pero alam naming may magbabago sa kan’ya, at hindi nga kami nagkamali dahil nagbago nga siya pero alam kong na disappoint din siya sa ginawa ni Scarlett, pero kami pinagpatuloy pa rin namin ang paghahanap kay Scarlett para magpaliwanag siya pero ni isa samin walang nakakaalam kung saan ba talaga siya nagtago.

Her TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon