Chapter 15

43 4 0
                                    

“Scarlett, Let’s go.”

Tumango lang ako kay mom at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko kahit mas lumalakas ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko na lang umatras at magtago sa kwarto ko.

Tama pa bang makinig ako sa kung ano man ang sasabihin ni chairman?

“Baka papalitan mo na ang chairman,” bulong sa’kin ni Claire na mukhang narinig ni mom at napansin kong umiwas siya ng tingin.

Ngumiti lang ako kay Claire. Malabong mangyaring papalitan ko na ang chairman. Hindi ko deserve kung yun ang mangyayari. Sumuway ako sa batas kaya dapat lang din na parusahan ako.

Nakarating na kami sa opisina ni lolo at laking gulat ko rin na kumpleto ang pamilya ko at ang mas nakakagulat nandito rin si Dominic na halatang galit pa rin kasama ng mga magulang niya.

Napa-bow naman kami ni Claire sa kanilang lahat at nag-bow din kami sa harap ni chairman. Nakangisi naman si Sophia na napaiwas naman ako ng tingin. Mukhang hindi maganda ang kutob ko ngayon.

Napahinga naman ako at lumapit na ako sa mga tito at tita para bumeso na lang sa kanila. Ngumiti lang sila sa’kin kaya dumiretso na ako sa tabi ni Erin, umupo naman sa tabi ko si Claire.

“Hindi manlang ba ako babatiin ng prinsesa ko?” natigilan ako at lumingon ako sa nagsalita.

“Kuya?” Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya, at tumayo ako para yumakap sa kan’ya. “Kuya Carter!” sambit ko at naiyak naman ako nang yakapin niya ako.

“You miss me that much, huh?” nakangising tanong niya kaya tumango ako at humigpit ang yakap ko sa kaniya. “I heard what happened,” bulong niya. Natigilan naman ako at bumitaw na ako. “Let me handle that asshole. Are you okay?” nag-aalalang tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti sa kan’ya.

Hindi ko akalain na umuwi na siya dahil sa pagkakaalam ko, masyado siyang busy sa negosyo niya sa ibang bansa kaya nakakagulat lang na umuwi na siya rito.

Siya rin ang pinaka panganay sa’ming magpipinsan. Si Carter Knight.

Siya ang sinasabi na halimaw ng pamilya namin, dahil na rin sa angking talino niya kaya dapat siya ang pumalit kay lolo dahil ito ang nagmana sa kaniya.

“I’m sulking because you didn’t even call me to ask for help, and it’s even worse because I have a niece and nephew,” sambit niya. Napangiwi naman ako pero natawa na lang dahil halata namang nagtatampo siya.

“Sorry. Mahabang kwento kuya,” bulong ko pero sinamaan niya ako ng tingin na hindi naman uubra sa’kin dahil kilala ko siya na hindi niya ako matitiis.

Pinat lang niya ang ulo ko at ngumisi sa’kin pero natigilan kami nang umubo si lolo para kuhain ang atensyon naming lahat kaya bumalik na ako sa tabi ni Erin na nakaakbay ang braso sa upuan ko. Napahinga na lang ako ng malalim at tumingin na kay lolo para makinig sa mga sasabihin niya.

“So, shall we?” tanong niya. Napatango naman ang lahat kaya bumuntong-hininga na siya. “I heard what happened...” napalunok ako at napakuyom na lang ng kamao.

“Masyado ng lumiliit ang mundo natin. Masyado na tayong maraming kaaway. Matagal-tagal na rin tayong nanahimik kaya mas mabuting palakasin natin ang ating pamilya.” panimula ni lolo at napatap siya sa kinauupuan niya. “Maraming death threat ang dumadating sa'kin,” sambit ni lolo. Lahat naman kami nagulat sa sinabi niya.

“Lolo?!” sigaw ng mga pinsan ko at miski sila tito at tita hindi natuwa sa narinig.

"What the hell dad?! Kailan pa?!" gulat na tanong ni tito Alessandro (Sander and Sandro’s dad)

Her TearsWhere stories live. Discover now