Chapter 22

8 0 0
                                    

SCARLETT’s POV

Two weeks later...

“Mommy! Wake up! Aalis na tayo nila daddy!”

“Uhmm...”

“Carrie, mamaya pa naman tayo aalis, Let her rest.”

“Kuya—”

“Carrie.”

“Okay,”

Napadilat ako ng makitang lumabas na silang dalawa sa kwarto ko kaya napangiti na lang at umunat na. Nahagip ko ang malaking orasan at napansin kong tanghali na kaya nanlaki ang mga mata ko tsaka ako bumangon sa kama.

Damn. Tinanghali na ako ng gising.

Tumakbo na ako sa banyo para gawin ang routine ko, hindi ko pa alam kung anong susuotin ko. Nilabas ko na lahat ng maaari kong suotin pero hindi pa rin ako makapili pero natigilan lang ako ng maalala ko kung bakit nga ba ako namimili ng susuotin?

Sasama lang naman ako para sa mga anak ko at hindi para kay Dominic. Oh, damn you, Scarlett.

Kung ano na lang napili kong damit yun na yung sinuot ko. Ah, basta bahala na hindi naman party pupuntahan ko, TSK.

Pagkatapos kong gawin lahat ng routine ko lumabas na ako ng kwarto ko para puntahan ang mga bata.

“Don’t cry, baby Carrie,”

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Kuya Carter kaya pumasok ako sa kwarto ng kambal at napansin kong umiiyak si Carrie.

“What happened?!” Tanong ko at nilapitan ko sila. Tumingin ako kay kuya Carter na napapailing.

“Nakita niya si Dominic na umalis kasama si Sophia at ang anak nila.” sambit ni Kuya Carter kaya napakunot ang noo ko at nilingon ko muli si Carrie na umiiyak pa rin.

Kumuyom ang mga kamao ko at niyakap ko na lang ang anak ko habang pinapatahan ko siya.

Wala kang isang salita, Dominic. Binigyan na kita ng pagkakataon para bumawi sa mga anak mo pero hindi mo pa rin magawa.

“Si Sophia ang nag-aya kay Dominic na mamasyal kasama ang anak nila.” sambit ni Kuya Carter at napabuntong-hininga. “I can’t believe, Sophia use her child for this, TSK.”

Napakagat na lang ako sa labi at huminga ng malalim bago ko nilingon si Kuya Carter. “Pwede bang iwan mo muna kami kuya?” tanong ko. Tumaas lang ang kilay niya pero tumango naman siya at lumabas na ng kwarto ng mga bata.

Bumuntong-hininga naman ako at humiga ako sa tabi ni Carrie.  “Anak, it’s me, mommy.” bulong ko. Sumilip naman siya at niyakap na niya ako tsaka siya humagulgol ng iyak.

Damn you, Dominic!

“M-mommy, I thought daddy wants to be with us today,” sambit ni Carrie. Hinimas ko naman ang likuran niya at hinalikan ko siya sa buhok.

“Pwede naman tayong umalis ng tatlo lang tayo, okay? Iba na kasi ang sitwasyon ngayon anak.” Ngumiti ako at pinunasan ko ang mga luha niya.

“Mom is right. We can play today with mom.” sambit naman ni Agustin kaya napalingon naman ako sa kan’ya habang ang mga kamay niya nakasuksok sa bulsa na naglalakad palapit sa amin.

Napahawak naman ako noo dahil sa kinikilos niya. Limang taon pa lang si Agustin pero parang binata na siya kung kumilos. Sumasama kasi sa mga pinsan ko kaya natututo siya ng kung anong mga bagay.  They are still my babies.

“Really, kuya?” paniniguro ni Carrie sa kuya niya.

Nakangising tumango si Agustin kay Carrie na yumakap din sa'kin kaya napangiti na lang ako at pinunasan ko ang mga luha ko nang makitang naiintindihan ng mga anak ko ang sitwasyon.

Her TearsWhere stories live. Discover now