Chapter 6

39 1 0
                                    

“K-Kuya...” sambit ko, at napaiwas ako ng tingin sa kan’ya.

Hinayaan muna naming maglaro ang mga anak ko dahil mas mabuting hindi nila maririnig ang pag-uusapan namin ni kuya Erin.

“You made us worried. Nawala ka ng parang bula, tapos babalik ka na parang walang nangyari?” hindi makapaniwalang tanong ni kuya Erin, pero halata mong naiinis siya sa ginawa ko.

Napatingin na lang ako sa mga anak ko na masayang naglalaro. Naramdaman ko nanaman ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya.

“Kuya Erin, hindi madaling umalis, pero kailangan...” sambit ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napangiti na lang ako ng mapait.

Hindi madaling umalis ng nag-iisa. Hindi rin madaling mabuhay ng nag-iisa. At hindi madaling magpalaki ng mga anak ng nag-iisa. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Claire na kahit anong mangyari nasa tabi ko lang siya.

“Hindi mo man lang ba naisip sila tita at tito? Hindi mo man lang ba naisip ang pamilyang iniwan mo dito? Tapos babalik ka na may dalawa ka ng anak?!” nagtitimping tanong ni kuya sa’kin.

Napayuko naman ako at napatakip na lang sa bibig para pigilan ko ang paghikbi ko. Ayokong magtaka ang mga tao kung bakit ako umiiyak kahit na alam kong kilala nila ako bilang isang Knight.

“Kuya Erin, please? Ayoko muna ‘tong pag-usapan.” sambit ko at tumayo na ako para puntahan sana ang mga anak ko, pero natigilan ako sa tanong niya.

“Will you run away again?”

Hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi ko rin alam kung anong maaari kong sabihin. Tatakbo na nga lang ba ako ulit? Tatakbuhan ko na lang ba ulit ang problema?

Yeah, I’m still coward. Hanggang ngayon hindi ko parin kayang harapin ang problema.

Huminga ako ng malalim at nilingon ko si Kuya Erin saka siya nginitian. “Kung yun ang kinakailangan ay gagawin ko.” kumuyom ang mga kamao ko. “Tatakbo ulit ako dahil ayokong pati mga anak ko masasaktan.” sambit ko at pinunasan ko ang mga luha ko saka ko siya iniwan na nagtatanong pa rin.

I’m sorry, Kuya Erin. Hindi pa ako handang sabihin sa’yo ang lahat.

Tahimik lang kaming dalawa ni Kuya Erin habang kumakain kami sa isang restaurant, habang ang mga anak ko naman masayang nagkukuwento sa naging buhay nila sa probinsya.

“You know what, tito Erin, si mama po palagi pong sad hindi rin po namin alam, kung paano namin siya pasasayahin ni kuya,” nakangusong sambit ni Carrie kay Kuya Erin at nabigla naman ako saka kami nagkatinginan ni kuya Erin pero ako agad ang unang umiwas.

“Bakit naman siya sad?” nakangiting tanong ni Kuya Erin kay Carrie. Nalungkot naman ang anak ko kaya nataranta ako. Hindi ko alam na minsan napapansin pala nila ako.

“Because of our dad? I don't know po eh. Palagi ko po siyang nakikitang umiiyak,” malungkot na sambit ni Carrie na agad naman akong napaiwas ng tingin.

Hindi ko akalain kapag mag-isa na lang ako sa kwarto ay doon ko na lang nilalabas ang sama ng loob ko. Dahil sa tuwing mag-isa ako, si Dominic pa rin ang palaging laman ng isip ko. Kung paano niya ako pinagtaksilan. Kung paano niya sinayang ang ilang taong pagsasama namin. At kung paano niya binali ang mga pangako niya sa’kin.

Hindi ko naman alam na pinapanood pala ako ni Carrie habang umiiyak.

“Carrie.” banta ng kapatid niya. Ngumuso naman si Carrie.

"Malay mo, matulungan niya si mama, kuya. Ayoko na kasing sad si mama,” nakangusong sambit ni Carrie sa kuya niya. Napakuyom ang mga kamao ko at bigla akong tumayo kaya  nagulat sila sa’kin.

Her TearsWhere stories live. Discover now