Chapter 17

7 1 0
                                    

SCARLETT’s POV

Alam kong ito na rin ang oras para malaman ng mga pinsan ko ang totoong nangyari kung bakit ako nawala para aware sila kung ano ang pinagaawayan namin ni Sophia.

Alam din nilang lahat kung gaano kami ka-close ni Sophia noon na halos hindi kami mapaghiwalay, pero nung tumatanda na kami napapansin ko, o namin na nagiiba na ang ugali ni Sophia pero hinahayaan ko lang dahil baka may problema lang siya pero hindi ko akalain na magagawa niya akong trydurin at siraan sa buong pamilya namin.

Alam ko rin na lahat sila naniniwala sa sinabi ni Sophia hindi naman kataka-taka ’yon dahil alam ko naman na isa yun sa mga iisipin nila kung bakit ako umalis ng hindi nagsasabi at iniwan ang responsibilidad ko para sa pamilya.

Lahat ng desisyon ko sa buhay, hindi naging tama at iisa lang ang naging tama yun ang palakihin ko ng maayos ang mga anak ko.

Tumingin ako sa mga pinsan ko na nag-aabang sa sasabihin ko, maliban kay kuya Erin at Claire dahil alam nila ang totoo. Pwera kay Rios na hindi ko alam na tila parang may alam siya sa nangyayari.

“Sorry, Ven. Aminado akong medyo naniwala ako kay Sophia dahil hindi ko rin alam kung bakit ka umalis ng hindi nagsasabi sa amin. I’m sorry, kung may nagawa man akong mali.” sambit ni Lux habang nakayuko. Napangiti na lang ako sa kan’ya.

“No, it’s my fault.” ngumiti ako sa kanila. “Nagtago ako ng limang taon sa inyo at bumalik na parang walang nangyari pero hindi dahil wala akong pakialam sa pamilyang ‘to, kun’di dahil mahirap para sa‘kin na malaman niyo ang totoo na alam kong magkakaroon ng malaking gulo,” sambit ko, at hinimas ko lang ang kamay niya para ipaalam na wala siyang kasalanan.

“Hindi ko kayo masisisi kung yun ang iisipin niyo pero hindi ‘yon ang totoo. Hindi totoong sumama ako sa lalaki kaya ako nawala. That’s not true. May rason ako kung bakit ako tumakbo o nagtago.” Huminga ako ng malalim at napasandal ako sa upuan.

“Nung umalis ako, I was pregnant at the time...” panimula ko. Natawa na lang ako nang makitang nagulat sila sa sinabi ko.

“What the hell...?” tumango ako sa kanila at ngumisi.

“Nakakagulat, right? Sa mahabang panahon, ngayon ko lang aaminin na nagkaroon ako ng nobyo or should I say, nagkaroon ako ng asawa na isa sa pinagbabawal na batas.” sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata nila.

Sino ba naman kasing hindi magugulat? Isang miracle baby ng pamilya nagkaroon ng nobyo/asawa na alam ng lahat ng pinagbabawal sa akin ‘yon dahil wala pa ako sa tamang edad noon.

“A-asawa? Nagkaroon ka ng asawa, Ven? Yun ba ang ama ng mga anak mo?” gulat na tanong ni Lux. Napatango naman ako.

“Naging nobyo ko siya, bago kami tuluyang nagpakasal na walang nakakaalam na kahit na sino sa pamilya maliban kay Sophia.” napahinto ako ng itaas ni Ara ang kamay niya na tila inaabsorb ang mga sinasabi ko.

“W-wait, so alam ni Sophia na may asawa ka? And she didn’t tell us?!” tanong niya.

Napailing naman ako. “Ako mismo ang nagsabi sa kaniya na ‘wag ipapaalam ang lahat dahil ayokong magkaroon ng gulo. I know chairman, ayokong mawala ang tiwala niya sa’kin noon kaya inilihim namin na nagpakasal ako.” napatingala ako sa kisame at napangisi dahil ano mang oras ay iiyak nanaman ako.

“Ven, who is this guy? I’m going to kill him!” sambit ni Arthur, kaya napalingon ako sa kan’ya dahil handa na siyang sugurin kung sino man ang lalaki na ‘yon. Natatawang napapailing ako sa kanila.

“Hindi lang siya kung sino, Art. He’s not just a random guy. Isa rin ang pamilya niya na maimpluwensya sa negosyo,” sambit ko habang nakangisi.

Kumunot naman ang noo nila na tila iniisip kung sino ang taong ‘yon. Wala pa ba silang hinala kung sino? Kilalang kilala naman nila kung sino ang tinutukoy ko.

Her TearsDär berättelser lever. Upptäck nu