Chapter 12

26 2 0
                                    

SCARLETT’s POV

Ilang araw ang lumipas magmula ng malaman ni Dominic kung bakit ako umalis ng hindi nagpapaalam. Hanggang doon na lang muna ang malalaman niya, ayokong bigyan ng pag-asa ang mga anak ko na mabubuo pa ang pamilyang matagal ng nasira.

Kapag nagpupunta si Dominic sa mansion, palagi niyang hinahanap ang mga anak ko ngunit hindi ko hinahayaan na mapalapit siya sa mga bata. At alam kong naiintindihan din ng mga anak ko ang sitwasyon.

Selfish ba ang matatawag sa ginagawa ko? Ayokong sa huli ang mga anak ko ang masasaktan. Tama na ang ako lang ang masaktan, 'wag lang sila. Baka rin mangyari ulit na masaktan ni Sophia ang mga bata, at hindi ako makakapayag do’n.

Ayoko rin ng gulo dahil umuwi ako rito para sa pamilya ko at hindi para sa nakaraan namin.

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para wala kaming masasaktan. Ginugol ko rin ang mga oras ko sa trabaho at sa mga anak ko. Wala akong ibang inisip kun’di ang responsibilidad ko bilang anak at ina sa mga bata.

Ilang beses na rin akong sinubukan na kausapin ni Dominic pero ako mismo ang lumalayo. Dahil pakiramdam ko pinapanood ni Sophia ang bawat kilos ko at hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ’yon, masyado lang yata siyang paranoid na baka agawin ko si Dominic mula sa kanya. She’s guilty of the sin she committed. TSK.

Napabuntong hininga na lang ako at wala akong ganang pinapanood ang mga customer namin na nagiging wild na.

“Ven!”

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga pinsan ko na papalapit sa’kin.

“This is a perfect place for us!” sambit ni Arthur habang tumatango at pinagmamasdan ang bar ko. Ngumiti lang ako sa kan’ya, at iniiwasan kong makita sila dahil baka magtanong lang sila kung ano ba talaga ang nangyayari sa’min ni Sophia.

“Nice! Makakahanap na ako ng magandang babae!” sambit naman ni Aaron. Napangiwi naman ako dahil alam kong yun ang dahilan nila kaya sila narito. Napailing na lang ako at napabuntong hininga.

Tumawa naman ng malakas si Eron, at ngumisi. “Uugod-ugod ka na A!” sambit ni Eron kaya nagtawanan ang mga pinsan ko. Napatakip na lang ako sa bibig para pigilan din ang pagtawa ko. Wala pa rin talaga silang pinagbago. Halos isang taon lang naman ang bawat agwat ng mga edad nila, maliban kay Kuya Carter, Kuya Erin, at sa akin dahil ako ang pinakabunso sa lahat.

Binatukan naman ni Aaron ang kakambal niya. “Damn you! Mas malakas pa nga ako sa’yo!” sigaw ni Aaron sa kakambal niya pero tinawanan lang siya ng mga ito.

Napangiti na lang ako at napapailing na lang sa kanila. Masyado na silang matatanda pero ayaw paring maghanap ng matinong babae. Nagkaroon na lang ako ng anak pero sila heto naghahanap pa rin ng lalandiing babae, TSK.

I rolled my eyes at them. “Order, whatever you want.” sambit ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila pero napasigaw din dahil nga sa libreng alak na maiinom nila. Isa rin yata ’to sa dahilan kung bakit sila nandito dahil para makalibre ng alak. Tsk. Mas mayaman pa nga sila kaysa sa akin.

O baka gulo lang din ang gusto nila rito. Nababalitaan ko noon kay Claire na napapaaway ang mga pinsan ko sa mga bar na napupuntahan nila dahil lang sa mga babae kaya minsan nababanned sila sa isang bar. TSK. Ayoko ng gulo rito sa negosyo namin dahil baka mawalan pa kami ng customer, ipapa-banned ko talaga sila.

Napatingin na ako sa mga pinsan ko at napansin ko namang nagiging busy na sila kaya sumenyas akong mag-iikot muna ako sa buong bar na napatango naman sila kaya tinapik ko na lang sa balikat si Hill na hinimas lang ang kamay ko bago ako naglakad paalis sa pwesto pero natigilan ako nang may mapansin akong pamilyar na tao.

Her TearsWhere stories live. Discover now