Chapter 10

31 3 0
                                    

SCARLETT’s POV

What is he doing here?

“Let’s talk.” sambit ni Dominic. Bago pa ako makaalma hinila na niya ako na kinagulat ko.

“Let go! Let me go!” inis na sambit ko habang hila hila niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang mapansing pumasok kami sa mismong kwarto ko.

Napapikit ako ng isandal niya ako sa pintuan ng kwarto ko, f–ck. “Ano bang problema—” natigilan ako ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na kinatikom ng bibig ko.

Napapikit ako dahil akala ko hahalikan niya ako pero iba ang inaasahan ko isang kalabog ang narinig ko sa side ko kaya napadilat ako at nakita kong nagtitimpi siya ng galit at nasa pintuan ang kamao niya. Napatingin ako kay Dominic habang nakayuko siya.

“Why?” tanong niya. Natigilan ako sa at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Ayokong marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko, dahil ayokong malaman niya na siya pa rin ang nilalaman ng puso ko kahit limang taon na ang nakakalipas. Hindi pa rin siya mawala sa isip ko dahil na rin siguro sa mga anak ko.

“Why, why did you leave me?” tanong niya. Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin sa kaniya. “Please, answer me.”

Napakuyom ang kamao ko ng mariin at naramdaman ko na lang na bumaon ang kuko ko sa palad ko sa sobrang diin. Bakit ngayon pa, Dominic? Kung kailan handa na kitang kalimutan.

“L-Let me go...” sambit ko, pero hindi siya nakinig sa’kin mas inilapit pa niya ang katawan niya sa’kin na halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“No! Until you explain why!” sigaw niya habang nakadukdok siya sa balikat ko. Napahinga ako ng malalim at pinipilit ko siyang ihiwalay sa'kin.

“Wala tayong dapat pag-usapan, Dominic.” sambit ko, habang pinipilit ko siyang itulak para lumayo siya sa ’kin. “Bitawan mo ako.” dagdag ko pa, pero hindi talaga siya marunong makinig.

“I said no! Please tell me, why did you leave me?” Tanong niya, at napansin ko na parang hindi niya alam kung ano ang mga kasalanan niya.

Napapikit ako at napahinga ng malalim nang nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa kanya. “I said, let me go!” sigaw ko, at tinulak ko siya ng malakas para makalayo na siya sa’kin.

Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya napahawak ako sa bewang ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Ayoko siyang makita dahil baka lumambot lang muli ang puso ko kapag lumapit pa siya sa’kin.

“You’re annoying! I told you we had nothing to talk about!” inis na sigaw ko sa kaniya at tinuro ko ang pintuan. “Leave!” sambit ko pero hindi siya nakinig sa’kin.

Napailing na lang ako at napakagat sa labi dahil hindi talaga siya makikinig, hindi pa rin siya nagbabago, wala talaga siyang pinapakinggan. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Parehas talaga kayo ni Sophia. Wala kayong pinapakinggan kun’di ang mga sarili niyo lang.” sambit ko. Natigilan siya at napatingin sa’kin. “Parehas kayong selfish. Wala kayong ibang iniisip kun’di ang mga nararamdaman niyo.” mariin kong pinunasan ang mga luha ko. “Kahit ngayong lang Dominic, pakinggan mo ako. H’wag na nating pilitin pa ang mga sarili natin na magigig maayos pa ang lahat. Dahil kahit anong mangyari, hinding hindi na tayo maibabalik pa sa dati.” sambit ko. Napakagat ako sa labi at napabuntong hininga na lang. Siguro sapat na yung mga sinabi ko para umalis siya.

Dahil hindi pa ako handang sabihin sa’yo ang lahat. Hindi pa ako handang aminin na nagkaanak na tayong dalawa. Ayoko na ng gulo at ayoko ring makasira ng pamilya.

Pabayaan mo na ako. Maging masaya ka na lang sa magiging bago mong pamilya.

Inayos ko yung kama ko para makapagpahinga na ako. Napansin ko lang na hindi pa rin umaalis si Dominic dahil mukhang may gusto pa siyang malaman sa’kin. Napailing na lang at hinayaan na lang siya, wala rin naman akong mapapala kung pakikinggan ko siya—

Her TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon