Chapter 3

47 1 0
                                    

“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ng anak kong si Carrie.

Ngumiti naman ako sa kan’ya, habang nag-eempake kami ng mga gamit namin dahil nakapagdesisyon na ako na babalik na kami ng maynila. Siguro sapat na ang limang taon na nagtago ako sa pamilya ko.

Panahon na rin siguro para ipakilala sa kanila ang mga anak ko. Nilingon ko sila habang nakaupo sila sa kama ko.

“Kung saan ang totoong tahanan ni mommy,” sagot ko sa kan’ya at hinaplos ko ang pisngi niya. Nanlaki naman yung mata niya sa sinabi ko at ngumiti sa ‘kin.

“You mean mommy, makikita ko na sila grandma at grandpa?” excited na tanong niya. Tumango naman ako sa kan’ya at ginulo ang buhok niya.

Napangiti na lang ako sa pagiging excited nilang dalawa na makita ang pamilya ko. Hindi rin naman kasi habang buhay na magtatago lang ako dahil babalik pa rin ako kung saan ako nanggaling.

Alam ko rin naman na excited na si
Carrie dahil ilang beses na niya akong tinanong kung bakit apat lang kami ang nandito, at kung nasaan daw ang mga lolo at lola niya dahil gusto na nila itong makita.

“So, pati si daddy, mommy?”

Natigilan ako sa tanong niya at napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ng itanong niya ulit sa ‘kin ang tungkol sa kan’yang ama.

Paano nga kung malaman nila si Dominic ang ama? Maniniwala ba sila sa ‘kin? Kung hindi naman nila alam yung naging relasyon naming dalawa.

Napatitig ako kay Carrie na naghihintay ng sagot ko. Napailing ako at napabuntong-hininga na lang bago ko hinawakan ang kamay n’ya.

“Rie anak, pwede mong makita ang daddy mo pero may bago na siyang pamilya, okay? Naiintindihan mo naman si mommy, ‘di ba?” sambit ko at napansin kong nalungkot naman siya pero ngumiti lang siya.

Lagi ko ring pinaiintindi sa kanila na may iba ng pamilya ang papa nila. Hindi ko rin siniraan si Dominic sa kanila dahil kahit papaano siya pa rin naman ang ama ng mga ito.

“But, how about us mom? Hindi natin pwede makasama si daddy?”

Napakagat ako sa labi at napaiwas ako ng tingin dahil sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita kong nangungulila sila sa kanilang ama. Nasasaktan ako para sa mga anak ko, imbis na ang mga anak ko ang dapat may karapatan kay Dominic pero sila pa itong makikihati ng attention.

Pero iba na kasi ang ihip ng hangin ngayon, dahil wala ng bisa ang kasal naming dalawa, at sila na ni Sophia ang ikakasal. Baka maging bastards pa ang mga anak ko at mas lalo lang silang masasaktan.

Ako na ang masaktan, ‘wag lang sila dahil hindi pa nila nakikita kung ano ang kayang gawin ng isang Scarlett Venice Knight, kapag mga anak ko na ang pinag-uusapan.

“Stop it, Rie!”

Naagaw lang ang eksena ng biglang pumasok si Agustin sa kwarto nila, na halatang malungkot din. Niyakap ko silang dalawa at tahimik na umiyak.

“I’m sorry! I’m sorry!” paulit-ulit lang na sorry ang sinabi ko sa kanila.

Hindi ito ang pinangarap ko para sa mga anak ko. Hindi rin ito ang gusto ko para sa kanila. Gusto ko silang maging masaya, pero kahit anong gawin ko kulang pa rin ang mga ginagawa ko para lang maging buo lang sila.

I’m sorry, I’m worthless mother.

“M-mommy!”

Niyakap lang nila ako at ramdam ko ang panginginig ni Carrie dahil alam kong gustung-gusto na niyang makasama ang ama niya pero alam naman nating lahat na hindi na ‘yon mangyayari.

Her TearsWhere stories live. Discover now