Chapter 9

38 4 0
                                    

NAkarating na kami sa Knight palace at mabilis kong pinarada ang sasakyan ni Claire sa labas mismo ng mansion at mabilis din akong pumasok sa loob.

Nakita ko kaagad ang buong Knight na may halong galit at pag-aalala. Nandito rin ang mga Stone siguro tumutulong sa nangyari kay chairman. Kaya lumapit agad ako sa kanila at napunta sa'kin ang attensyon nila.

“Are you okay?!” tanong ko sa kanila. Nilapitan naman ako ng mga pinsan ko.

“In-ambush ang chairman at ang ibang mga tauhan natin namatay, TSK.” Inis na sambit ni Sandro. Si Sandro Knight, anak siya ni tito Alessandro.

“Mabuti na lang may nagsabi na a-ambushin si chairman, kaya nailipat agad siya ng sasakyan.” sambit naman ni Rios Knight. Isa siya sa pinaka misteryoso sa’min pero malambing naman ’yan pagdating sa mga pinsan niyang babae.

Kapatid siya ni kuya Erin, at pangalawang anak sa pamilya nila.

“Gosh! I can’t believe na magagawa niya kay chairman! Is there something we did wrong? Para paghigantihan niya?!” inis naman na tanong ni Delux Knight. She’s a strong and pretty woman.

Anak ni Tita Fernina Knight ang nag-iisang babae na anak ni chairman pero Knight ang dinadala niyang last name.

Napabuntong hininga naman ako at hinimas ko ang kamay ni Lux at matipid na ngumiti sa kan'ya. Hindi ko rin maaaring sabihin ang mga hinala ko na hindi talaga si chairman ang target kundi ako, dahil baka magkamali lang din ako.

“May humabol rin samin kanina habang papunta kami rito,” sambit ko. Agad namang lumapit sa’kin si mommy.

“Ven, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?” tanong ni mom. Umiling naman ako sa kan’ya.

Natigilan naman ako nang mapansin ko si chairman na nakakuyom ang kamao. Halata na rin sa kanya na matanda na talaga siya. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin. Natatakot ako na kapag lumapit ako kay chairman baka itaboy niya ako.

“Ven, sige na lapitan mo na ang chairman.” bulong sa’kin ni mom. Napatingin naman ako sa kan’ya at tinanguan lang niya ako.

Kaya nginitian ko na muna si mommy bago ako lumapit kay chairman. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan siya sa kamay na ramdam kong nabigla rin siya sa ginawa ko.

“I know you despise me, but I’m worried about you.” sambit ko kay lolo. Hindi niya ako sinagot at nanatili lang siyang nakatingin sa malayo at napansin ko rin ang pag-igting ng panga niya. Mukhang hindi na niya yata ako mapapatawad.

“I apologize if I disappointed you, Grandpa. I made a mistake.” dagdag ko pa. Napakagat na ako sa labi para pigilan ang mga luha ko.

Napapikit siya ng mariin pero nanatili pa rin siya sa pwesto niya at hindi manlang ako nilingon. Napangiti na lang ako ng mapait at mas lalong napayuko. Hanggang sa unti-unti ng tumutulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Wala yung pagod sa nangyari sa’min kaysa sa nararamdaman ko ngayon. Mahirap para sa akin na galit si lolo dahil sa ginawa ko.

“Sorry, kung napabayaan ko ang responsibilidad ko bilang isang Knight. Nakalimutan ko rin kung anong buhay na meron tayo. Hindi ko inisip ang mga pangaral mo sa’kin noon.” pinunasan ko ang mga luha ko at napaiwas ng tingin. “I’m sorry, kung sinuway ko ang batas mo para sa’kin. I’m sorry, kasi umalis ako ng walang paalam.” huminga ako ng malalim. “Ako na lang ang sasalo ng aking magiging parusa. H’wag lang ang mga anak ko...” umiiyak na sambit ko sa kaniya at naramdaman ko na lang niyakap ako ni mom.

“Ven...” bulong ni mom, kaya yumakap din ako sa kanya nang mahigpit habang humahagulgol ng iyak.

Naramdaman ko na lang ang pagtayo ni chairman habang nakaalalay ang nurse niya sa kaniya.

Her TearsWhere stories live. Discover now