Chapter 5

50 2 0
                                    

Dahil sa tanong ko, nanlaki naman yung mga mata niya.  “H-huh?” nauutal na sagot niya. “S-saan ako matatakot? Ano ang dapat nilang malaman?” nauutal na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko na para bang hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ko.

Nagpapatay malisya lang ba siya o hindi lang talaga siya aamin sa kasalanang nagawa niya sa’kin? Napailing na lang ako dahil wala akong makukuhang matinong sagot kay Sophia.

“Pwede ba, Sophia, h’wag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin sa’kin." sambit ko sa kanya at kinuha ko na ang tuwalya ko. “Para kasing wala kang alam sa kasalanan na nagawa mo.” dagdag ko pa. Nanlaki ulit ang mga mata niya.

“Wala akong alam sa sinasabi mo! Nawala ka ng limang taon, hindi mo alam kung anong naramdaman—” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang pinahinto ko siya. Wala akong panahon para makinig sa mga sasabihin niya.

Sa mga inasal niya sa’kin kanina sa dinner, mukhang gusto lang niyang ipamukha sa’kin na nakuha na niya ang asawa ko. She’s so pathetic.

“Wala kang dapat ikatakot kung bumalik ako rito. Dahil hindi naman kayo ang dahilan kung bakit ako bumalik.” bumuntong-hininga ako. “Hindi ko kayo guguluhin, basta hindi niyo rin guguluhin ang mga anak ko.” Naglakad na ako palapit sa pintuan at binuksan ko ito. “Kung wala ka ng kailangan makaalis ka na.” sambit ko. Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa banyo pero narinig ko na lang ang yabag niyang paalis sa kwarto ko.

Napapikit na lang ako at huminga ako nang malalim bago ako nagpatuloy sa pagligo ko. Napasandal naman ako sa pader habang patuloy ang pagbuhos sa’kin ang malamig na tubig. Minsan pala nakakapagod maging mabait dahil sobra kang aabusuhin. Pero sa sitwasyon namin, hindi ako isang desperada para lang makasira ng pamilya.

Hahayaan ko na lang silang maging masaya basta kasama ko ang mga anak ko ay kuntento na ako. Sila lang ang nagiging lakas ko para magpatuloy ako sa buhay. Magiging masaya kami kahit wala si Dominic sa buhay namin na kaya naman namin na mabuhay ng ilang taon na kami lang magkakasama. Kaya alam kong kakayanin din namin ngayon.

Napatitig na lang ako sa mga anak ko saka ako napangiti. Bumuntong-hininga ako at pinatay ang ilaw bago ako nahiga sa tabi nila.

Dito pa lang mag-uumpisa ang buhay namin dahil hindi ko alam kung ano pa ang dadating na pagsubok sa’kin, ngayong nakabalik na ako kung saan ako nanggaling.

***

Kinabukasan ay inayos ko ang dapat kong ayusin dahil matagal na rin akong naka leave sa trabaho. Maglilipat na rin kami ni Claire dahil ang negosyo ko ay nasa probinsya. Nasabi na na rin niya sa akin na napaghandaan na niya ‘to kaya may binili siyang lupa para rito ko na ipagpagpatuloy ang negosyong nasimulan ko.

Napangiwi naman ako dahil mukhang alam na alam ni Claire na babalik ako rito sa Maynila kaya pinaghandaan niya ang lahat. Napailing na lang ako at nagbihis na ako. Natigilan nanan ako nang tumunog ang phone ko.

“Hello,” sagot ko sa kabilang linya pero napakunot ang noo ko dahil ang ingay. Tinignan ko ang ang caller at napabuntong hininga nang malaman na si Claire ang tumawag.

“Claire, bakit ang ingay?” tanong ko at naririnig ko naman ang mga sigaw niya.

"Scarlett! Nandito ako sa bagong bar natin! Pinapa check ko ang sound system!” sigaw niya kaya napapikit ako dahil para akong nabingi sa lakas ng boses niya. “Anong oras ka pupunta rito? Ipapakilala ko ang mga bago nating empleyado!” sambit niya.

Napangiwi naman ako. “Pwede bang huminahon ka? Ang lakas ng boses mo!” Inis na sambit ko sa kan’ya. Narinig ko naman ang tawa niya at wala na rin akong naririnig na ingay sa location niya.

Her TearsWhere stories live. Discover now