Chapter 41

24K 544 21
                                    

A flashback

I was so devastated when Quiro left me. Nagmukmok ako, umiyak ng umiyak. Hindi ko matanggap na iniwan niya ako.

But one day Nayumi visited me. She knock on my rooms door before entering.

"Jamie, hanggang kailan ka magiging ganito?" She ask me. Bumuntong hininga siya. Nakatagilid akong nakahiga at nakatalikod sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha ko na hilam na naman sa luha.

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. If I felt like crying, bubuhos at bubuhos nalang ang luha ko. Madami akong pinagsisisihan.

Sana pumayag nalang ako na magpakasal agad kay Quiro kahit na hindi ko pa sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.

"Kung aayain ba kita na pumunta sa resort ko sasama ka ba Teh Jamie?" She ask me. Hindi pa din ako kumibo narinig ko na naman ang pagbuntong hininga niya.

But then natigilan ako at saka napatitig sa isang bagay na nakabitin sa harap ko. Napakurap kurap ako. Namumukhaan ko ang bagay na ito.

Napasinghot singhot ako at saka pinunasan ang luha ko at saka ako napaupo at nagtatakang napatingin kay Nayumi.

She smiled.

"Tsaran." She awkwardly said while holding the necklace that is dangling infront of my eyes.
Napasimangot ako.

"Ibinigay niya sayo?" I ask her. She smiled at saka siya tumango. It's Quiro's necklace yung may floral wire pero ang kaibahan lang ngayon ay may kasama na itong susi.

"Correction. I was asked by him to give it to you." Pagtatama niya at saka niya hinawakan ang kamay ko at inilagay iyon sa palad ko.

Napatitig ako doon ng matagal.

"Do you want to remember that night Jamie?" She ask. Napatingin ulit ako sa kanya ng matagal pinag iisipan ko kung gusto ko pa bang maalala ang gabing iyon.

Nanlamlam ang aking mata.

Of course gusto ko. Gustong gusto ko na maalala ang gabing iyon.

Tumango ako. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Nayumi.

"Great. So now mag ayos ka na at sumama sa akin."
Napakunot noo naman ako.

"Do you know a way how can I remember it?" I ask her. Natigilan siya at saka napangiti ng awkward hanggang sa napangiwi na siya.

"Kinda? Teka lang hindi ako sigurado kung effective kaya nga  kailangan mong sumama sa akin so that we can try it." She said. Napabuntong hininga nalang ako at saka napatango. I lazily prepare and dressed my self at sa daan wala akong imik. Basta nakatingin nalang ako sa labas ng bintana na tila lumilipad ang aking isip.

Ilang beses na din akong napabutong hininga. Hanggang sa nakarating na kami sa resort ni Nayumi. And she left me  on the aisle where it leads to the room that Quiro and I spend that night.

Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Bago umalis si Nayumi ay may sinabi siya sa akin.

"The key on that necklace was the key of that room. Quiro also make sure na wala ng ibang makakagamit sa kwartong iyon liban sa inyo from that night on. Minsan pumupunta siya sa kwartong iyon when he feels down. Good luck Jamieya sana sa pagpasok mo sa kwartong iyon ay maalala mo na din ang gabing iyon." Sabi niya at saka niya tinapik ang balikat ko.

Napalunok ako. Kaya pala hindi na available ang kwartong iyon dahil ibinilin  ni Quiro. And the key was with him all the time.

Inihakbang ko na ang aking mga paa papalapit sa room na yon. Until I face its door. Room cottage #28  napatitig ako sa pintuan. Napahigpit ang hawak ko sa susi. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Napahugot ako ng malalim na hinga  upang kalmahin ang aking sarili.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon