Chapter 7

37.5K 998 34
                                    

Running and Chasing

Napabuntong hininga ako noong mabuksan ko ang refrigerator. I don't have any stock anymore. Ayokong lumabas. But I need to eat to live.
Napasimangot ako. At saka kinuha ang mga leaflet ng mga restaurant na may padelivery ng mga pagkain. Pero naitapon ko lang iyon sa mesa ko.
At marahas na napabuntong hininga ulit.

Noon hindi ako lumalabas because of my work, but I also go out sometimes to buy my necessities. Unlike now na hindi na talaga ako lumalabas sa takot na baka makita ako ng mga baliw kong kaibigan or worse baka pati ni Quiro.

It's been three days since the day that I saw that gay. At nalaman ko kay Ariza na ako daw ang sadya nito kung bakit napadaan si Quiro noong araw na iyon. And before Ariza can even ask questions pinatay ko na.

At tatlong araw na din akong nagpapadeliver ng pagkain para lang mabuhay ako. Pizza, burger and any fastfood ganyan nalang lagi ang kinakain ko sa loob ng tatlong araw and I am sick of it. I have a work that requires most of my time but I don't forget to eat healthy. I need to eat healthy para magtagal pa ako sa mundong ibabaw and I am not really fond of eating fast food pero no choice nga ako.

Naghalumbaba ako habang nakatitig sa mga nagkalat na leaflet. Pinag iisipan kung lalabas ba ako o hindi.

"You need to hide Jam but you also need to stay alive." Pagkakausap ko sa aking sarili. I got up and get my car key at napagdesisyunang lumabas to go to grocery.

Bahala na.

Maybe I should stop hiding now. Kailangan ko nang harapin ang mga kaibigan ko. Pakikiusapan ko nalang sila na wag nang magtanong.

Pero hindi pa ako handang makausap si Quiro. No! Not! Never!

Habang naggogrocery ako ay nawala sa isipan ko na nagtatago pala ako. Lalo na noong nandoon ako sa fruit and vegies section. Muntik ko ng yakapin ang mga iyon pagkakita ko sa mga ito. Three days without fruits and vegies was  a torture for me. Halata naman na gustong gusto ko ang prutas at gulay diba, kasi nga I need to live healthy.

Naglagay na ako ng kahit na ano mang magustuhan ko sa cart ko. I miss shopping! I also buy meat.
Napapangiti pa ako habang namimili.

"So you finally go out?" Nanigas ako noong marinig ang boses na yan na may pagkalamya mula sa aking likuran. But hell it sounded so serious. Napalunok ako at saka  nahigit ko ang aking hininga lalo na nung dumagundong ang dibdib ko dahil sa kaba. Nabitawan ko ang repolyong hawak hawak ko at lakas loob na hinarap ang nagsalita sa aking likuran.

And there he is, salubong ang kanyang kilay, nakahalukipkip ito at puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha. Mas lalo akong kinabahan. Sabi ko nga sobrang malas ko! Okay lang sana if yung mga kaibigan ko ang nakakita sa akin. But hell its him. This gay. At paano niya nalaman na lumabas ako at saka kung nasaan ako?

"Q-quiro." Utal na tawag ko sa pangalan niya. Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay. His eyes were serious, hindi ko alam kung galit ba siya, kung may balak ba siya sa aking masama. But one thing is for sure, I can not stand his stare. And more over I need to run away from him.

"Ako nga." He said. Napaatras ako at napahawak sa handle ng cart. Napalunok ako at pasimpleng tinignan ang kinaroroonan ko. Pasimpleng naghahanap ng malulusutan palayo sa kanya. I step at my left side but he followed me habang mariin ang titig niya sa akin. I also tried to step on the right side but he copied me. Napalunok ako.

"A-ano, t-tabi you are blocking my way." I tried to sound calm but I stuttered. Napamura na naman ako sa isip isip ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Pinasadahan ko siya ng tingin. He's gay pero hindi na talaga siya gaya ng dati, na ladlad na ladlad at sa pangalawang pagkakataon ko na nakita siya nang hindi isinasama yung araw ng kasal ni Nayumi kung saan nakaformal siya... Napansin kong paborito niyang magsuot ng hoodie. Sabagay malamig na ang panahon dahil sa nalalapit na pasko.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon