Chapter 2

55.3K 1.1K 69
                                    

The Gay

Noong makita ako ni Nayumi ay grabe ang pagkakangisi ng gaga. Kinindatan pa ako pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Mag ready na kayo in 3... 2...-"

"TEKA LANG SALI AKO!!!" Matinis na tili na nakapagpatigil sa count down. Nabangga pa ako kaya muntikan na akong natumba, mabuti nalang at nabalanse ko ang katawan ko.  Napamura nalang ako ng dahil doon. Kainis!

Napataas ang kilay ko pagkakita sa isang lalaking umistorbo ng count down. Tumawa ang iba sa mga bisita pati na din si Nayumi. Naningkit ang mata ko at pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang kabuuan niya.

He seemed familiar to me. Teka sigurado akong kilala ko itong bakla na ito!

He is wearing a white three piece suit. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang hairclip sa buhok niyang may kahabaan hanggang sa kanyang balikat. His haircut was in layer. He is wearing a make up. Nakalipstick ang gaga ng pink at saka nakamake up ng shade of brown orange. Alam niyo yung parang tomboy na feeling babae ganun ang itsura niya. At hanggang baba niya lang ako despite the three inch heel shoes na suot ko.

He is awesomely handsome, pero nakapanghihinayang lang na naging bakla ito. Bakit ba lahat nalang ng gwapo nagiging bakla. Aminin man natin o hindi mas madami na ang bilang ng babae kaysa lalaki sa buong mundo. The human male specie are decreasing. Dadagdag pa sila sa mga dahilan kung bakit kumukonti nalang ang lalaki sa mundo. Pero hindi naman kasi natin sila masisisi doon, they have the freedom to choose what they want to become.

Kaya din siguro ako nahihirapan sa paghahanap ng lalaking makakatuwang ko dahil sa kokonti nalang sila.

Habang pinagmamasdan ko siya ay unti unti kong nakikilala ang baklang ito! How can I forget about him!

Siyempre kilalang kilala ko kung sino itong baklang ito. Kilalang kilala ko siya kahit na ngayon  na lang ulit kami nagkita. Wala pa ring pinagbago bakla pa rin talaga.

Quiro Aquin Monteclavo. Pinsan siya ni Nayumi kaya siguro nandito ngayon. Magtatampo talaga si Nayumi kapag hindi siya dadalo no!

"Bakit ka sasali?" Bago ko pa narendahan ang bibig ko ay naitanong ko na iyon.

"Dahil gusto ko." Taas ang kanang kilay na sagot niya. Napahalukipkip ako at naningkit ang mata ko. Kahit kailan talaga mataray at palaban pa rin siya.

Mula pa noong magkakilala kami hindi na talaga kami magkasundo. Sa kadahilanang total opposite ang ugali namin. Maingay siyang bakla samantalang ako ay hindi palaimik sa harap ng taong hindi malapit sa akin.

At saka kumukulo ang dugo ko sa kanya. As in talaga, kaya kahit na anong pilit ng mga kaibigan ko na maging kaibigan din siya ay hindi ko magawa. Hindi ko keri ang isang katulad niya.

"Sabi nila for single ladies lang daw? Lady ka ba?" Pagtataray ko. Aba andami na namin dito, tapos dadagdag pa siya edi mas bababa na ang probability ng chances of winning ko.

"Babae ako sa puso't gawa kaya babae na din ako." Sagot niya sa akin. Halatang ayaw magpatalo. Hinarap na rin niya ako at saka naghalukipkip na din siya. Nagkaroon ng katahimikan sa reception. Nagtagisan kami ng titig.

But for a second his eyes caught me. Ang ganda ng mata niya.

Eww! Jamieya bakit mo kinokompliment ang baklang iyan. Kaaway mo siya! Dimo siya kaclose nuh!

Ayaw niyang magpatalo at ayaw ko ding magpatalo.

At sa pagtatagisan naming iyon ay napagmasadan ko ang kanyang mukha ng mabuti. He has a thick eyebrow, naahitan nga pero hindi naman on fleek. Straight iyon parang tinaggal lang yung ibang kilay niya  para maging maayos. Like what I said he is wearing a make up. Makakapal din ang eyelashes niya sa hula ko ay nalagyan ng mascarra.

Dahil hindi talaga kami close at matagal ko na siyang hindi nakita ay ngayon ko lang talaga napagmasdan ang kabuuang itsura niya. At saka kailan ba noong huli ko siyang makita?

3 years ago? At saka naalala ko pa hindi naman siya ganito noon eh. Mas bakla siyang tignan noon. 3 years ago, he is into colorful clothes, colorful make ups at saka on fleek noon ang kilay niya.

Maganda ang mata niya, he has a deep blue eyes.

'Jamieya ilang beses mo na yang sinabi!' Lihim na saway ko sa aking sarili.

Yung mata niya... It's his best asset I guest.

Ngayon ko lang naman kasi napagtuunan ng pansin yung mata niya. Malay ko bang may maganda din sa baklang ito.

He has high nose at saka yung panga niya na nangigigil. Baklang nag iigting ang panga I guess. Teka, applicable ba yun sa kagaya niya? His lips are in one line katunayan na nagpipigil siya ng inis. Kung inis ako sa kanya, mas inis siya sa akin.

Gwapo siyang tignan ngayon. Pero wala akong pake basta mas dyosa ako!

"Talaga babae ka?" Pang aasar ko.
At saka dahan dahan akong tumingin pababa hanggang sa tumigil sa pagitan ng paa niya. Napalunok ako noong makita ang malaking bukol niya doon. Napakurap kurap ako. Shet! Daks siya. Kaya maang akong napatingin sa mukha niya.

"Kyaah! Pervert!" Tili niya at saka tinakpan ang hinaharap niya. Everyone in the venue are having a great time enjoying our scene. Katunayan na dito ang tawang naririnig ko.
Nginisihan ko nalang siya. Tsk! Akala mo naman hinawakan ko kung makareact. Napairap ako.

"As long as you have your dick. Lalaki ka pa rin!"
Napasinghap siya doon. Namula ang kanyang buong mukha. I grin widely because of it.

He is cute.

Oh my gosh Jamie stop complimenting him!

"Kaya hindi ka pwedeng makisalo sa bulaklak! Konting konti na nga lang ang chance of winning ko makikidagdag ka pa." Nakasimangot na sabi ko dito na nakapagpanganga sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata at saka may sasabihin sana pero pinigilan lang ang kanyang sarili.

"Nayumi! Paalisin mo si Quiro dito!" Parang batang sumbong ko saka itinuro si Quiro na grabe na ngayon ang pagkakasimangot.

"She's drunk kaya ganyan na naman ang isang yan." Sabi ni Ariza na iiling iling sa isang tabi.

"Kawawang Quiro pinagdiskitahan na naman ng kabratan ni Jamieya." Segunda din ni Rhianne.

"Sabing wag magkalat eh. Ang tigas talaga ng ulo." Si Cassidy na iiling iling. Napabuntong hininga ng sabay sabay ang mga ito.

Nakamaang lang si Nayumi, hindi ata alam ang gagawin.

"Best!" Pamimilit ko dito sabay padyak ng paa ko. Napahinga ng malalim si Nayumi at saka napailing. Nilapitan niya ang baklang pinapaalis ko na pinsan niya. I bet ako ang pipiliin ni Nayumi over him kahit pinsan niya pa ito.

"Pasensiya na Quiro pero pwedeng pagbigyan mo na ang isang ito." Pakiusap ni Nayumi dito.

"But I also want to catch it." Quiro said. I saw the eagerness in his eyes.

Napangisi naman ako. Napasimangot si Quiro.  Binigyan pa ako  nito ng nakakamatay na tingin bago bumuntong hininga at saka tumango. Lalong lumawak ang pagkakangisi ko.

Umatras si Quiro na masama ang tingin sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You're drunk Jamieya." Naiiling na puna sa akin ni Nayumi. But  I just pouted and I smile widely.

"Love you Yumi!!!" Sabi ko at ngumuso para halikan siya pero sinupalpal lang niya ang mukha ko at saka tumawa. Naiiling na pumunta ulit si Nayumi sa harapan para itapon ang kanyang bouquet.

Napatingin ulit ako kay Quiro na alam kong minumurder na ako sa isip isip nito. Pero nginisihan ko siya. Inirapan lang ako ng gaga. Pero naguilty ako noong makita ko ang lungkot sa mata nito sabay iwas sa akin ng tingin at napunta iyon sa bouquet ni Nayumi.

He really want it. But why though?

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon