Chapter 6

41.3K 1K 71
                                    

Hide

"Jamieya!" Napapikit ako ng mariin noong marinig ko ang matinis na boses na iyan. Napalingon ako at ang mukha ng tatlo kong kaibigan ang nakita ko. Napamura nalang ako nginitian sila na naging ngiwi at saka inihanda ko ang aking sarili para-
"Takbo na Jam!" Paalala ko sa sarili ko at tumakbo na nga ako palayo sa kanila.

"Hoy wag mo kaming takbuhan!" Sigaw ng mga ito! Alam kong hinahabol nila ako kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Akala ko makakatakas ako sa kanila ngayong araw na ito, nakatunog pa din pa pala sila na lalabas ako ngayon. Nawalan na kasi ako ng stock ng pagkain ko. I got hungry so I went out to eat a nearby restaurant na nasa loob lang din ng village. Hindi na ako nagdrive kasi walking distance lang naman at saka exercise na rin.

"Hoy Ariza! Bilisan mo habulin mo siya!" Sa hingal na hingal na tinig ay sabi ni Rhianne. Nag alala naman ako saglit dahil may hika si Rhianne pero hindi pa talaga ako ready na makita silang tatlo.

Gigisahin ako ng mga iyan. Noong nasa tapat na ako ng bahay ko ay binuksan ko agad ang gate, dali dali akong pumasok at saka inilock ito. Pasalamat ko nalang at mataas ang bakod ng aking bahay at wala sa lahi ng mga kaibigan ko ang akyat bahay.

Isang linggo ko na silang pinagtataguan. Isang linggo ko na silang tinatakbuhan. Isang linggo pagkatapos ng kasal ni Nayumi. Swerte ko nga at wala si Nayumi dahil nasa honey moon ito. Sa aming lima si Nayumi pa naman ang may pagkaninja moves akyat bahay yun eh. Paanong hindi magiging akyat bahay kung palaging tumatakas sa bahay nila para lang makipagkita kay Drake noon.

Napahinga ako ng maluwang noong nakapasok ako sa bahay ko at inilock ang pinto. Dinig ko pa ang pagkalampag ng tatlo sa gate ko. Pero isinawalang bahala ko nalang. Mas mabuti nang iyon ang aking marinig kaysa sa mga tanong nila na hindi ko naman alam kung ano ang sagot.

"What a life!" Palatak ko. At saka hindi ko maiwasang mapailing. Nasanay na akong hindi maglalabas ng bahay, dahil sa uri ng trabaho ko. I work for a foreign company. Parang online job na rin. I love this job of mine, bukod sa hindi ko na kailangang maglalabas pa sa bahay ay hindi ko na poproblemahin ang araw araw na pagtravel para lang makulong sa isang opisina habang suot suot ang corporate attire. At saka malaki ang sahod, dollars ba naman, sapat na para magkaroon ako ng ipon at mabuhay ko ang aking sarili sa pang araw araw.

Pero yun nga lang ang dis advantage ay nawawalan na ako ng social life. I am working on my paper works sa araw and kailangan kong ipasa iyon sa gabi kung saan daytime na sa ibang bansa. Kaya halos wala na akong time para lumabas and have a social life.

Pero okay lang sa akin iyon. That kind of job is very perfect for an introvert person like me.

Kung hindi pa nga nag eeffort ang mga kaibigan ko sa pagpunta rito, maswerte na sila kung makita nila ako ng minsan sa isang linggo kahit na magkakalapit lang naman ang bahay namin.

Kaya hindi na din ako magtataka kung tatanda akong dalaga dahil nga sa kung anong buhay ang meron ako.

But sometimes sumasagi din naman sa isip ko na magquit na sa trabahong meron ako tutal madami na din naman akong ipon, I can build a business kahit iyong simple lang and invest some of my money pero mahirap iwan ang nakasanayan na eh. Besides I am more comfortable being at home than going out to do some errands.

I've been living independently for 6 years, not because I want to live independently but it turns out that way when my father died when I was 24 and one year after that sumunod din ang mama ko. I am an only child, wala akong kapatid, swerte ko na nga dahil naipanganak pa ako. I am a menopausal baby to be exact. My mom was 45 years old when she have me.

My mother and father got married on the same age when they have me. They met when they were on their twenty's. Pinagtapo sila noon pero pinaghiwalay ng tadhana. They thought it was the end for the two of them but after twenty years they met again still wala pang mga asawa kaya they decided to continue their romance. They live their remaining life happy in the arms of each other.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon