Chapter 20

28.6K 768 107
                                    

Hate This

When someone is constantly knocking, open up.

But what if you are afraid and worried that the person behind that door has an intentions that you wouldn't like...
Will you still open up?

Pero ang sitwasyon na iyan ay malayong malayo sa sitwasyon ko. Because I am here on my door step waiting for someone who will knock on my door. I am patiently waiting for the right person who will knock. I am patiently waiting for my Prince.

Pero mukhang hindi ko na nga mahihintay pa ang prince charming ko. Not because he was late or what but because I don't have a prince on the first place. Walang gustong maging prinsipe ko.

Why?

Gaya nga ng sabi ni Quiro.

'I don't deserve one.'

So should I keep waiting? Should I keep  waiting for that someone whose destined to me?

Or maybe I should give up and live my life, feeling alone at maiinggit nalang sa mga kaibigan ko na masaya na sa kanilang sariling pamilya?

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa bahay na katabi ng bahay ko. Alam kong nandiyan lang si Quiro. But since that day that he walked out ay hindi pa rin niya ako pinapansin.
Napasimangot ako.

"Bakit kaya hindi niya ako pinapansin? Did I do something wrong? Or did I say something para magtampo siya?" Bulong ko. Napailing nalang ako at saka isinawalang bahala iyon. Kahit na nababahala pa rin ako.

Binuksan ko ang gate at naghanda na para tumakbo sa umagang ito. Pero kasabay ng paglabas ko ay ang paglabas din ni Quiro sa gate ng bahay niya. Nagkakatitigan pa kami ng ilang segundo. Nginitihan ko siya  at saka babatihin na sana siya  ng magandang umaga pero inirapan lang niya ako at tumakbo na siya papalayo sa akin. I guess magjojogging siya sa direksiyon kung saan hindi niya ako makakasabay or makikita man lamang.

Kaya naman ay nawala ang aking malawak na ngiti at napakunot noo. Nagtataka sa mga ikinikilos ni Quiro. May kasalanan ba ako sa kanya?

Napakibit balikat nalang ako at tumakbo na. Pero binabagabag pa rin ako ng konsensiya ko. I know that I didn't do anything para magkaganun siya. But my conscience keep on telling me that I've done something wrong. Yung pakiramdam na sinasabi ng utak ko na may kasalanan nga ako sa kanya.

Habang tumatakbo ako ay iyon ang aking iniisip.

Ano nga bang dahilan?

Unti unti akong napatigil sa pagtakbo.

"Teka... Nagkakaganun ba siya dahil lang sa sinabi ko?" I blurted out. Naalala ko kasi noong sinabi kong 'He will never be my prince.' He look upset at that time at yun nga sinabihan niya ako na I don't deserve one.
Mas lalo akong naguluhan, hindi ko maintindihan ang sitwasyon.

"Yung baklang iyon..." Bulong ko, habang iniisip ang mga dahilan kung bakit nga ba nagkakaganun siya ng dahil lang sa sinabi ko, kung yun man ang dahilan.
"Di kaya may gusto sa akin ang baklang iyon?" Bigla ko nalang natanong iyon. Pero dahil sa tingin ko ay napakalaking kalokohan iyon ay napatawa ako. Kasi naman diba, napakaimposible naman iyon! Si Quiro magkakagusto sa akin? Yung baklang iyon? Napatawa na naman ako. May ibang nagjojogging  na pinagtitinginan na ako dahil akala nila nababaliw na ata ako. Pero siguro nga nababaliw na nga ako para isipin ang posibilidad na iyon. Kaya naman ay tinampal tampal ko ang aking pisngi at saka napailing iling.
Kailangan kong burahin ang ideyang iyon sa utak ko.

Hindi ako gusto ni Quiro. Pero teka bakit ko nga ba naisip iyon on the first place?

Ewan ko din. Basta siguro naisip ko nalang na nabwisit siya noong sabihin kong hindi siya magiging prince ko sa kadahilanang gusto niya ako.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon