Chapter 21

27.3K 735 50
                                    


Ilang beses na akong pabaling baling sa higaan ko. Hindi ko makuha kuha ang aking tulog sa kadahilanang nabobother pa rin ako sa isiping masama ang loob sa akin ni Quiro.

At dahil naiinis na ako sa aking sarili ay napabangon na ako at ginulo ang aking buhok. Alam niyo yung feeling na naiiyak na ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. I want to apologize to him. But how can I do that if he is obviously avoiding me.

At isa pa yan sa mga iniisip ko paano kapag nagdecide na siya na wag nalang akong pansinin magpakailanman kasi pagod na pagod na din siya sa akin?

At dahil don ay napayukyok ako. Ipinatong ko ang aking mukha sa aking tuhod. At hindi ko na namalayan na napapahikbi na pala ako, naiyak ng dahil doon.

Huminga ako ng malalim at saka napangiti ng mapakla. Pinunasan ko ang aking luha.

"Iiyak iyak ka diyan Jamieya, kasalanan mo din lang naman." Paninisi ko sa aking sarili.
At sa ilang araw na pag iwas iwas sa akin ni Quiro may narealize akong isang bagay.

Natatakot ako. Natatakot ako na tuluyan na niya akong iwasan at layuan. Natatakot ako sa isipin na baka napagod na siya sa akin, na baka nga pagod na siya sa palagi ko nalang panrereject sa kanya. Because from the beginning ay wala na akong ibang ginawa kundi ipagtulakan siya palayo.

Hindi ko siya harap harapang ipinagtutulakan palayo noong mga nakaraang araw na magkasama kami but I realize that I blurted  out some words that might hurt him.

At dahil doon ay mas naging mabigat ang aking pakiramdam. My chest was tightening, namimigat iyon dahilan para mahirapan akong huminga.

Pinagpag ko iyon, napapatingala nalang ako para pigilan na naman ang luha kong nagbabadyang tumulo. Because I was thinking that I don't deserve to cry dahil kasalanan ko nga. And crying right now won't solve this.

Dahil sa nahihirapan akong huminga ay napagpasyahan kong pumunta sa balkon para makasagap ng sariwang hangin. Pero napatitig lang ako sa kabila which is his house. Nakasindi pa rin ang ilaw sa kwarto niya. Umupo ako sa cleopatra chair ko na naroon sa balkon paharap sa bahay niya. And I was thinking if what is he doing right now? Nabobother din kaya siya katulad ko?

Pero ganun nalang ang pagdagundong ng puso ko noong lumabas din siya sa balkon niya. My lights were already off. Kaya siguro naman ay hindi niya ako mapapansin dito na nakaupo. Nakatayo lang siya doon, his shoulders were sad. And then he look up in the sky. Kita ko pa ang paghugot niya ng malalim na paghinga.

Bigla akong napatago sa fortune plant na katabi ng kinauupuan ko noong lumingon siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung bakit. Sinuway ko pa ang aking sarili dahil na rin sa kabobohan ko. Anong kabaliwan na naman ba ang pinaggagagawa ko? Nanatili lang siyang nakatingin dito sa may gawi ko. At nanatili lang akong nakatago dito sa may halaman na ito.  Nakahawak pa ako sa ibang dahon nito.

"Wag kang gagalaw Jam." pagpapaalala ko sa aking sarili dahil once na gumalaw ako ay gagalaw din ang halaman. Pero nahigit ko ang aking hininga noong may naramdaman akong gumapang sa aking kamay. Nanlaki ang aking mga mata. I am silently reminding myself na wag titili but then something bit my hand. That's when I totally lost it! I shrieked out of my lungs at pinagpag ang kung ano man yung gumapang sa aking kamay. Dahil nasa labas naman ang switch ng ilaw dito sa balkon ay isindi ko na ito. Para makita kung ano mang talipandas na nilalang ang gumapang sa akin.

Pero napatili na naman ako noong makita iyon. At napaakyat sa cleopatra chair para lang makalayo sa bagay na iyon.

"HEY YOU OKAY?" Napatigil lang ako sa pagtili noong marinig ko ang boses ni Quiro nang may pag aalala noon ko lang ulit naalala na nandun pala siya sa kanyang balkon at marahil ay kanina niya pa ako pinapanood sa nakakahiya kong kalagayan. Dahan dahan akong napalingon doon. Ayaw ko sanang alisin ang atensiyon ko sa bwisit na nilalang na kinagat ang kamay ko pero...

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon