Chapter 22

27K 808 37
                                    

Kanina ko pa pinagmamasdan si Quiro while he is  busy moving in the kitchen. Sa totoo lang nakatayo lang ako sa tabi ng mesa. Hindi ako makaupo dahil hindi advisable sa akin na umupo ng matagal.

Walking ease the tailbone bruise while sitting for a long time will make it worst.

Inihahanda niya yung tinake out niya sa isang resto, kagagaling lang namin sa ospital. Infact, isang gabi lang naman ako doon dahil hindi naman malala ang kalagayan ko. Rest lang talaga ng isang linggo.

Wala siyang imik mula kaninang dumating kami. Siguro napagod din siya at saka hindi din siya masyadong nakatulog dahil binantayan niya ako. I am so much thankful to him because he help me. Kahit na ba dapat ay hindi niya ginagawa dahil sa kadahilanang hindi pa kami okay pero nanaig sa kanya ang kagustuhang tulungan ako. Nagpapasalamat din ako na ibinaba niya ang kanyang pride para sa akin.

Dahil nakasuot na lang siya ng isang white  loose sleeveless shirt ay kita ko na naman ang kwintas niya.

Noong bumalik siya kagabi galing sa pagbili ng makakain hindi na niya ako kinibo. Maybe nabadtrip na naman siya sa akin dahil sa pangengealam ko sa gamit niya. Pero palaisipan  pa rin sa akin ang kwintas niyang iyon. Ang weird lang kasi.

He stop what he is doing for a while and he take a deep sigh.

"Stop staring at my necklace gurl." Saway niya sa akin ng kunot noo, sinimangutan ko siya ng dahil doon. Hindi ba pwedeng macurious ako sa bagay na iyon. Malay niyo may history pala iyon kaya ganun nalang iyon kaimportante sa kanya.

"Curious lang." Sabi ko sa kanya.

"If you want me to stay here for a week wag mong pakealaman ang kwintas ko Jamieya gurl." Seryosong sabi niya.

"Oo na po." Sa pagpayag kong iyon ay bumalik ulit siya sa ginagawa niya. He set up the table. Sanay na sanay talaga siyang kumilos sa kusina.
Noong matapos siya ay walang pasabi siyang umalis doon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko agad sa kanya. Napapraning na naman ako na baka umalis siya at saka niya ako iwan dito. Alam niyo yung takot  at pakiramdam na baka maya maya lang ay iwan ako ni Quiro at saka balik na naman sa pag iwas niya sa akin. Kaya konting alis lang niya sa paningin ko ay tinatanong ko na siya.
Napasimangot ako noong hindi niya ako sinagot. Nabaling nalang ang tingin ko sa pagkain na inihanda niya. At saka ko napansin na iisang plato lang ang nakalagay sa mesa. Napakurap kurap ako at saka napalingon ulit sa pintuan na nilabasan ni Quiro.

Did he already left me? Seryoso ba ang baklang iyon na kaya niyang hayaan akong kumain ng mag isa dito.

'Anong bago don Jamieya. Sanay ka naman nang kumain na walang kasama diba?'

Dahan dahan akong naglakad kahit na pangiwi ngiwi pa rin ako sa pangingirot ng aking pwetan. Lumapit ako sa upuan kung saan nakalagay ang plato. Tinitigan ko ang plato saka napabuntong hininga ulit.

Ano bang problema mo Jamieya? Hindi naman bago sayo ang kumaing mag isa, anong sinisimangot simangot mo diyan?

Pinilit kong pagaanin ang pakiramdam ko and plastered a little smile on my face, kahit na napipilitan lang ako.

Uupo na sana ako but then a hand hold my shoulder kaya napalingon ako at ganun nalang ang tuwa ko noong makita ko siya.

"Quiro, you  came back!" I happily said. Kumunot naman ang kanyang noo at saka niya ako tinaasan ng kilay. Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Why? Did I leave?" Kunot noong tanong niya.

"Akala ko kasi iniwan mo na ako dahil ayaw mo akong sabayan sa pagkain." Medyo tampong sabi ko sa kanya.

Forgotten Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now