Chapter 10

32.2K 846 50
                                    

Push...

"JAMIE GURL!!!" Matinis na tawag nito sa akin mula sa labas ng gate habang mimurder na ang  doorbell. Kilala ko na kung sino ang may ari ng boses na iyan. It's Quiro.

Ilang araw na siyang ganyan. I groaned and I get my phone on my bedside table. 30% quality sleep. Muli ay napaungol na naman ako dahil sa inis. Nasa masarap pa sana akong tulog kung hindi lang baliw ang baklang iyan na ginigising ako sa tuwing umaga. Inuunahan niya ang sinet kong alarm ko para gumising. Dapat 8:30 ang gising ko. This past few days hirap na akong matulog kaya inaabala ko nalang ang sarili ko sa aking trabaho until dawn. Saka lang ako makakatulog kapag nakaramdam na ako ng pagod. At saka kasalanan din naman ng baklang iyan kung bakit hindi ako makatulog nitong mga nakaraang araw.

Napasimangot ako at naitakip ko ang unan sa aking mukha. Naiiyak na ako sa inis na aking nararamdaman. Bakit ba hindi niya ako tinitigilan?

"Langya ka talagang Quiro ka!" Inis na sigaw ko noong pinagsunodsunod niya ang pagpindot sa doorbell! Nang dahil doon ay napilitan akong bumangon. I got my eyeglasses on my table and wear it. Para akong zombie na pumunta sa aking banyo. Kainis naman kasi yung Quiro na yan eh. Nagbago na nga siya, appearance lang naman ang nagbago sa kanya. The way he dress himself, the way he talk, nabawasan ang kabaklaan niya. Okay na sana eh. Pero yun nga lang mas lalong hindi naging okay ang version niya ngayon. He is so annoying as fvck! He is getting on my nerves and I hate his flirty side!

Napakulit niya!

How can he kiss me like he was not gay?
He is making me overthink all the things, pati na din yung pag alala ko sa nangyari noong gabi ng kasal ni Nayumi.

Sa ngayon siya ang source of stress ko.

Kahit na ayoko siyang harapin gaya noong mga nakaraang araw pero I don't have any choice. Dahil kung hindi ko siya haharapin ay hindi niya titigilan ang doorbell ko. Wala daw siyang pakealam kung masira man iyon.

"Bakit na naman ba?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Good morning Jamie gurl!" He cheerfully greeted me. At ayan ka naman sa napakalawak niyang ngiti.
Pero inirapan ko lang siya at mas lalong napasimangot. Iniwan ko na siya doon, gaya noong mga nakaraang araw ay susundan niya ako at feel at home siyang makikialam sa kusina ko. Dahil sa kanya may naging instant cook ako sa umaga. Pero hindi ako magiging thankful dahil naiinis ako sa mukha niya. At siya ang dahilan kung bakit  naaantala ang maganda kong tulog.

He move inside my kitchen like he owned it. Marami siyang alam sa salad, samantalang noong unang nakita niya ako na kumakain ng lettuce ay sinabihan pa niya akong kambing. Pero siya naman pala itong madaming alam sa salad.
Naghihintay lang ako sa ginagawa niya.

Kahit na sambakol ang mukha ko dahil nga kulang ako sa tulog.

"O yan na Jamie gurl. Eat that." Sabi niya at inilagay sa harapan ko ang ginawa niya. I'ts a salad with a shredded beef steak. Pinagpatong patong niya yung lettuce then after that he put ripe mangoes, at inilagay niya sa top yung shredded beef steak. Magaling din siyang gumawa nang salad sauce. Napalabi nalang ako at kinuha ang tinidor at hinalo halo iyon. At sinimulan ang pagkain.

At gaya nung ibang araw pinapanood lang niya ako like there was interesting on the way I eat.

Hindi pa din nawawala ang pagkailang ko sa ginagawa niya pero nagagawa ko nang hindi ipahalata sa kanya na  ganun ang nararamdaman ko.

"Bakit ba araw araw ka nalang nambubulabog sa bahay ko?"  I curiously ask. He lean on in his palm at pinagmasdan lang ako. Ayan na naman siya sa paninitig niya.

"You didn't wear your contacts today." Pag iiba niya ng usapan. Inadjust ko yung salamin ko dahil napansin niya pala. 

"You are not answering my question." Simangot na sabi ko dito at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon