Chapter 1

101K 1.4K 208
                                    

The Old Maid

"You may now kiss the bride!" Anunsiyo ng pari, kasabay ng masigabong palakpakan. Napangiti ako at saka napapahid sa pisngi ko. Naiiyak na pala ako. Napapalakpak na din ako. Habang pinapanood ang kaibigan ko na hinahalikan na ang mahal niya.

Masaya ako at isa na naman sa mga kaibigan ko ang naikasal.
Pero hindi ko maiwasang makadama ng lungkot at makaramdam ng inggit.

Naiisip ko kailan din kaya ako makakapaglakad sa aisle na ako na din ang nakawedding gown. Na ako na din yung hinihintay ng lalaking mahal ko sa harap ng altar.

Paano nga ba iyon mangyayari kung wala naman akong karelasyon.

"Jamieya Suarez just wait. Mahahanap mo din ang the one mo." Bulong ko sa sarili ko.

I am Jamieya Suarez, 31 years old. Oo nalipasan na ako ng kalendaryo pero wala pa akong asawa, ni wala pa ngang current boyfriend. Certified old maid kumbaga. Kaya nga hindi ko maiwasang mainggit, hindi ko ding maiwasang matakot lalo na sa isiping baka tuluyan na akong maging matandang dalaga and live my life na ako lang ang mag isa.

Nababahala na din ako, ayokong magaya sa  Auntie ko na kapatid ng Papa ko na naging old maid. Malungkot iyon, lalo na kapag mag isa ka lang talaga. And I hate being lonely.

At ang nakakatawa pa, sunod sunod na taon na akong nagiging maid of honor. Ikasal ba naman kasi ang mga kaibigan ko ng sunod sunod. Lima kaming magkakaibigan at hayun nahanap na nila ang ever after nila, ako nalang itong nganga.

Kaya kung minsan napapatanong ako. 'Ano bang kulang sakin?'
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na kasama ko sa table ngayon dito sa reception ng kasal ng kaibigan ko.
My friends have their unique personality na nakita ng mga kani kanilang asawa.

Tulad nalang nitong si Ariza boyish pero napakacharming at malakas ang appeal. She already found her own king. At sa kasalukuyan may dalawang taong gulang na itong anak.
Si Rhianne na mukhang mataray pero napakalambing. She is also a beauty with a perfect body.
Si Cassidy na mahinhin pero palaban, pero siya talaga ang pinakamabait sa grupo. Sadyang mahinhin lang ito.

And lastly, napatingin ako sa upuan ng bagong kasal na masayang nagsusubuan sa isa't isa.

Si Nayumi na napakasimpleng babae pero napakaganda.

Napabuntong hininga ako. Eh ako anong meron sa akin. Hindi ko naman dapat minamaliit ang sarili ko. Hindi dapat ako naiinsecure. Dapat naniniwala akong may unique characteristic din ako. Pero ang tanong anong wala sa akin para hanggang ngayon ay wala pa ring nagtatangkang magpursue sa akin.
Matagal tagal na din yung last relationship ko.

Pangit ba ako?

Pero hindi eh sabi nila pretty naman ako. Sabi din ng salamin ko sa bahay.

So anong kulang sa akin?

Maybe the way I live my life was really the problem. The work that I have.

Dahil doon ay naging mabigat ang dibdib ko. Napatitig ako sa kopitang hawak hawak ko. Napabuntong hininga ako at tinungga iyon at nilagok lahat ng laman. Napasinghap ang mga kasama ko sa mesa.

"Hoy balak mo bang magpakalasing?" Tarantang tanong ni Rhianne. Hindi ko iyon pinansin at sinalinan pa ng wine ang kopita ko.

Napasulyap ako kila Nayumi.

"Ako nga tapatin mo Jamie." Nakuha ni Ariza ang atensiyon ko dahil sa kaseryosohan ng tinig niya.
She is looking at me coldly.
"Bitter ka pa rin ba hanggang ngayon dahil si Nayumi ang pinili ni Drake at hindi ikaw?" She ask me frankly na nakapagpasinghap sa mga kasama namin. Sanay na ako sa isang iyan. Prangka talaga si Ariza. Natigilan ako sa tanong niya pero maya maya ay humalakhak ako dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko. It's so funny kasi.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon