Chapter 8

35.2K 944 87
                                    

Forgotten

Bago ako lumabas sa bahay ko ay napalingon lingon ako sa paligid. Tinitignan kung may kakaiba ba  o kung mayroon bang kahina hinala sa paligid. Like yung taong nag eespiya sa akin dahil binabantayan ang bawat galaw ko. Kasi nga hindi ko maalis sa isip ko yung sinabi ni Quiro. Hindi ko naman alam na nakakatakot pala ang baklang iyon. Kung si Nayumi na pinsan nito ay may sa lahi ng akyat bahay itong si Quiro naman may sa lahi ng stalker. Paano niya nalalaman kung nasaan ako like he was always watching me?

At saka hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit siya habol ng habol sa akin?

Lumabas na ako bitbit ang panregalo ko sa inaanak ko. Malapit lang ang bahay nila Ariza walking distance lang din sa katunayan magkakapit bahay ang apat ako lang itong napalayo ng konti.

Pero hindi ko pa din lubos maiisip ang dahilan ni Quiro bakit gustong gusto niya akong makausap tungkol sa bagay na yun.

If I were the one who seduced him on that night di kaya masama ang loob niya sa akin?

O baka naman hindi lang ako ang virgin sa ganoong bagay. Or maybe hindi na talaga virgin si Quiro if it was about sexual intercourse because he has experienced with guys- eew!
Pero sa babae ay wala pa so he is virgin when it comes to that aspect at hindi niya matanggap na may nangyari sa amin, pagbabayarin niya ako!

I stop walking and gasped because of that! Napatakip pa ako ng bibig ko.

"Oh my gosh!" Bulong ko.

I really need to remember what happened that night! ASAP!

"Papasok ka ba o hindi?" Napaigtad ako at napalingon ako dahil sa mataray na tanong na iyan mula sa likuran ko and I gasped again with a wide eyes dahil nandito siya. At  base sa hilatsa sa mukha niya hindi maganda ang mood niya.

"B-bakit ka nandito? Pipilitin mo na naman ba -"

"I am also invited, wag kang assuming  duhh." He said and he rolled his eyes at saka niya ako nilagpasan.
Naningkit ang mata ko habang sinusundan siya ng tingin. Noon palang talaga ayaw ko na sa kanya! Argh!
Dahil doon ay nabad mood ako, napairap nalang ako at saka siya inambahan ng hampas kahit malayo na siya.

"I am also invited wag kang assuming duhh." Panggagaya ko pa sa sinabi niya at napairap ng todo. "Bwisit! Bakit ba naging kaibigan siya ng mga bestfriend ko? Bakit ba naging pinsan pa siya ni Nayumi. I hate him!" Bubulong bulong ko at pumasok na din sa gate nila Ariza. Alam kong makikita ko ang tatlo dito, at alam kong nagtatampo sila sa akin kaya inihanda ko na ang sarili ko.

At saka akala ko ba bumalik lang yan dito para dumalo sa kasal ni Nayumi then he will go back in US once again.

"Damn mukhang magtatagal pa ang baklang yan dito." Inis na bulong ko. 

Madaming mga dumalo sa party ng anak ni Ariza at Luke na si Lawrence. Napansin kong puro kamag aral nito ang naroon. At sa isang banda nakita ko sina Cassidy at Rhianne na nakangusong nakatingin sa akin mukhang inaabangan ako na lumapit sa kanila.

Nilapitan ko sila.

"Aww!" Ang nasabi ko nalang noong magksunod na batok ang nakuha ko mula rito.

"Buti nagpakita ka pang babae ka!" May pagtatampong sabi ni Rhianne.

"Akala namin habang buhay mo na kaming pagtataguan." Nakangusong sabi ni Cassidy na inirapan pa ako. Napangiti nalang ako sa inasal nila.

"Wala ba akong hug diyan? Alam ko naman na namiss niyo ako eh." I said while grinning from ear to ear. Napangiti na din sila at akmang yayakapin nila ako pero napaaray na naman ako dahil mula sa likod ay may sumapok sa akin.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon