CHAPTER 2

10.5K 291 60
                                    

Nakarating ako ng bahay at sumalubong ang katulong namin.

"Good afternoon po ma'am, may bisita po kayo ngayon." Bati ng katulong namin.

"Good afternoon din po ate, sino yung bisita nila dad?" Tanong ko kay ate.

"Business partner daw po ni sir, hindi ko kilala ma'am." Napa tango nalang ako.

"Sige po ate salamat po." Dumeretso na akong garden dahil sabi ni ate nasa garden daw sila.

"Good afternoon mga mahal kong pamilya." Masayang bati ko sa kanila.

"Mommy! Alam mo-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil si Ma'am Monroe nandito sa bahay.

Anong ginagawa ni Ma'am dito? Aakyat ba siya ng ligaw saakin?

"Mabuti nakarating kana anak, halika maupo ka dito may sasabihin kami sa'yo." Sabi ni dad saakin at pinalapit na ako.

"Ano po 'yun dad don't tell me, umaakyat ng ligaw si My lov-este Ma'am Monroe saakin?" Tanong ko kila dad.

Nakita kong nagkatinginan pa sila.

"Anak, sana patawarin mo kami sa desisyon namin. Kaya nandito sila Pareng paeng dahil, napag kasunduan namin na ikasal kayong dalawa." Nagulat ako sa sinabi ni dad.

Napatayo naman si Ma'am Monroe. "What dad totoo ba?" Hinawakan naman siya ng ginang sa kamay.

"Anak umupo ka muna i eexplain ko sa'yo, yung dahilan namin." Hindi pa din nag oobserve yung sinabi ni dad saakin.

"Kailangan namin mag sama sa business world anak, para lumaki ang business at business nila. Naisipan namin na ikasal kayo." Nakita ko naman ang tutol sa mukha ni ma'am.

"Tama ang daddy mo iha, hindi naman pwede ang kuya ni Ash dahil may anak na siya at asawa. Kaya naisipan namin ng daddy mo bakit hindi nalang kayo nitong anak ko, tutal intersex naman ang anak ko at single naman siya." Paliwanag ni dad kay ma'am.

"But tito I have a boyfriend po and sa kaniya ko lang po balak ikasal at hindi sa kahit sino, hindi ko naman po mahal ang anak niyo eh." Nalungkot ako sa sinabi ni ma'am.

May point naman siya may boyfriend si ma'am at hindi niya ako mahal.

"Dad, tito she's right po, hindi namin mahal ang isa't-isa. Staka may boyfriend po siya matagal na sila nung boyfriend niya, ayaw ko naman pong maka sira ng relasyon ng iba." Malungkot na sabi ko sa kanila.

"I'm sorry iha pero may agreement na kami ng daddy mo at hindi na mag babago ang isip namin, kaya Cait anak hiwalayan mo na ang boyfriend mo. Sigurado ka bang faithful ang boyfriend mo eh, nakita ko nga boyfriend mo may kasamang babae." Nagulat ako sa sinabi ni tito.

Niloloko siya ng mokong niyang boyfriend. Sabi na simula una pa lang nakita ko yun, halatang manloloko akala mo gwapo. Maputi lang naman pero hindi siya gwapo, mas gwapo pa sa kaniya yung black american na kakilala ko eh.

"Alam ko po 'yun dad and nag usap na po kami, binigyan ko siya ng chance. Kaya i'm sorry hindi ko po matatanggap ang alok niyong arrange marriage." Tatayo na sana si ma'am ng pigilan siya ng mommy niya.

"Anak princess please, may utang din tayo sa mga McKenna." Nagulat ako sa sinabi ni tita at tinignan ko si dad at, tumango naman siya.

"Anak please kahit isang taon lang kapag wala talaga kayong nararamdaman sa isa't-isa, pwede na kayo mag divorce." Napatahimik naman ako kapag pumayag si ma'am, sasaya ako dahil 'yung babaeng mahal ko magiging asawa ko.

Pero nakakalungkot imposibleng mahalin niya ako, dahil ayaw na ayaw niya sa akin maingay daw ako at lagi siyang ginugulo.

"Fine, papayag na ako pero gusto ko ako masusunod sa aming dalawa." Nakita ko naman ang saya sa mukha nang daddy ko at daddy niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon