CHAPTER 30

13.9K 365 40
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan mula nung nag usap kami ni Zain.

Sa isang linggo na iyon, para akong mababaliw. Dahil bumabagabag pa rin sa isip ko, ang mga sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin, na kapag nag kita kami mapupunta pa din daw ako sa kaniya?

Baliw na ata siya. Hayst.

Napag isipan ko na punatahan muna si Maia. Kakatapos lang ang libing ng lola niya, kaya ito na rin ang tamang oras para alukin ko siya sumama sa akin.

"Umiiyak ka nanaman." Niyakap ko siya, habang umiiyak siya at naramdaman ko na yumakap din siya sa akin.

"Ang sakit, Ash ang sakit na mawala si lola hindi ko na alam gagawin ko ash. Nawawalhan na ako ng gana sa lahat, lalo na ang pag aaral." Hinayaan ko muna siya umiyak. Bago ako mag salita.

"Sumama ka sa akin, Maia handa naman sila dad tumulong kung gusto mo sumama ka sa akin sa state." Tumingin naman siya sa akin

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Para maka limot alam ko ang nangyari sa inyo ni Prof Lazano, kaya gusto ko sana sumama ka sa'kin sa state. Tutulungan kita maka bangon ulit at mag simula." Hinintay ko siyang mag salita.

"Pag iisipan ko ash." Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.

"Basta tawagan mo lang ako pag naisipan mong tanggapin, ang invitation ko sayo." Sabi ko sa kaniya.

"Salamat sa tulong mo Ash." Pag papasalamat niya sa akin.

"Walang ano man basta ikaw, alam mo naman na parang kapatid na turing ko sa 'yo kahit kila Gill and Ivo." Sabi ko sa kaniya.

Natapos ang libing ng lola ni Maia, ay napag desisyonan namin na umuwi na.

Bago sumakay si Maia, nakita kong naka tingin siya sa isang dereksyon. Kaya sinundan ko ito at nakita ko nag hahalikan sila Prof Lazano at nung daga.

Alam kong binantaan si Prof Lazano, ng daga na iyan kaya tumugon si prof sa halik.

Tinignan ko naman si Maia at nakita kong umiiyak siya.

Kung hindi ko lang alam na binabantaan si Prof Lazano, baka sumugod at sinuntok ko na ang daga na iyon.

Maya-maya sumakay na si Maia, sa aking sasakyan.

"Ash, pumapayag na ako sasama ako sa'yo para makalimutan si Eloise." Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Kung ganon i handa mo na ang mga gamit mo, dahil bukas aalis na tayo." Tumango naman siya sa akin.

"Teka alam na ba nila Gill at Ivo ito?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya. "Oo alam na nila kaya mamaya pupunta sila sa condo ko, para mag inom niyaya ko sila." Tumango naman siya sa akin at nanahimik nalang.

Nang makarating kami sa bahay nila ay inayos na niya ang kaniyang gamit.

Tinext ko naman si Prof Lazano, para ipaalam na pumapayag na si Maia. Na isama ko.

To: Prof Lazano

Prof pumayag na po siya. Sasama na po siya sa akin, wag po kayong mag alala. Hindi ko po pababayaan ang mahal mo at aalagaan ko po siya. Habang busy kayo sa problema niyo na inaayos niyo. Ingat po kayo diyan. Babalitaan ko nalang po kayo palagi, kung anong update sa kaniya.

Sent

Maya-maya lumabas na si Maia at nag papaalam na sa mga kapit bahay niya.

Pumasok siya ng kotse ko na malungkot, kaya tinapik ko ang balikat niya. Para ipaalam na magiging ok din ang lahat.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now