CHAPTER 14

9.9K 285 92
                                    

"Mare, mukhang ang saya mo ngayon anong meron?" Tanong ni Maia saakin.

"Galing kase kaming bahay ampunan kahapon ni Ma'am Monroe. Ang saya lang, kahit nasasaktan siya sa boyfriend niyang bakulaw nagawa kong pasiyahin siya." Umakbay naman siya saakin.

"Naku dapat agawin mo na 'yan, kung sinasaktan lang din siya staka mas legal ka kesa sa kaniya. Dahil kasal kayo bakit hindi mo sabihin sa papa niya, baka matulungan ka niya mapa ibig 'yang asawa mo." Napa irap naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo Mareng Maia, hindi natin matuturuan ang puso nila na mahalin tayo pabalik. Mas masarap mahalin 'yung kusa, hindi yung pinipilit ang isang tao." Totoo naman eh, kapag ayaw sayo edi wag pilitin kung baga respect nalang.

"Wow ikaw ba 'yan Mareng Ash?" Natatawang tanong niya.

"Sira ulo. Oo nga pala sa susunod sama kayo saakin sa bahay ampunan, promise masaya doon. Gill sama ka ah." Tumango naman siya busy nanaman siya sa pag babasa niya. Walang kapagurang pagbabasa adik kase sa mga novel si Gill, kaya ayan mas close pa niya ang mga libro kesa saamin.

"Mare si Prof Monroe ba 'yun?" Turo niya at tinignan ko naman 'yung tinuro niya.

Biglang nanikip ang dibdib ko, dahil naka luhod yung unggoy sa harap niya. Humihingi ata ng chance. Tsk ang rupok mo talaga Zain.

Pinapanood lang namin sila hanggang sa dumating si tito. Napa smirk naman ako, kita ko papaano mag bago ang expression ng mukha ni ma'am.

Ayaw na ayaw niya talaga sa lalaking bakulaw na 'yan.

"Caitriona Zain, come to me may pag uusapan tayo. And you layuan mo ang anak ko, hindi na siya babalik sa'yo. Malaman ko lang na lumalapit ka pa sa anak ko, hindi ako mag dadalawang isip na pabagsakin ang company niyo." Seryoso si tito, makapang yarihan din si tito kaya kung ano ang sinabi niya gagawin niya.

Tignan niyo kahit pag arrange marriage nila saamin, natupad dahil lahat ng gusto nila ni dad natutupad.

Mag kababata kase sila ni tito, sabay sila lumaki at barkada nila ang parents ni Gill. Meron pa nga dalawa mag asawa pero sabi ni dad, nasa state daw at doon sila naka tira.

(Magulang po ni Maia 'yung tinutukoy ni Ash.)

Nakita kong tumingin si tito saakin at lumapit siya, kasabay ng anak niya.

"Iha pinapatawag ka ng daddy mo." Nag paalam naman ako kila Maia at sumunod na kila tito.

Nang makarating kami sa parking lot ay sinabihan kami ni tito, na sa mansion daw nila kami dumeretso.

Nakasakay ako sa aking kotse habang kasama si Zain, balak pa sana niya sa kotse niya pero sinabihan siya ni tito na saakin siya sasabay.

Nakita ko pang nag dabog si Zain sa sinabi ng tatay niya.

Nang makarating kami sa mansion nila ay nagulat ako, dahil nandito din sila mom.

"Mabuti nandito na kayo. Ang tagal niyo hon." Pinalo pa ni tita si tito.

Napatawa naman ako, dahil nag pout pa si tito.

"Eh kase hon, 'yung ex boyfriend ng anak mo ginugulo pa niya anak natin." Tumingin naman si tita kay Zain, pero hindi manlang tinapunan ng tingin ni Zain ang nanay niya.

"This is true Caitriona Zain?" Naka taas na kilay ni tita.

"Mare wag mo naman takutin 'yang anak mo." Pigil ni mommy kay tita.

"Nakakairita kase Mare, sa susunod papa tapon ko na ang lalaking 'yun para hindi na umepal sa love story nila ng anak mo." Ito ang gusto ko kay tita, botong-boto saakin. Pero ayaw naman saakin ng anak niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now