CHAPTER 41

10K 311 14
                                    

Lumipas ng dalawang linggo naging maayos na din ako. Dinadalaw namin siya sa hospital.

Unti-unti ko na din natatanggap na mawawala siya, gusto kong sabihin na mabubuhay pa siya pero sino ba niloko ko.

May anim na buwan nalang siya para mabuhay at alam ko mamatay din naman siya kahit ako, kung ako nasa sitwasyon niya tatanggapin ko nalang.

Kung masakit para sa akin bilang kaibigan niya, papaano pa kaya siya na lumalaban sa cancer.

I'm proud of her, dahil ang tapang niya. Halatang tanggap na tanggap niya ang kapalaran niya. Sana kapag namatay kami gusto ko ma reincarnate kami.

Para magkakasama pa din kami at kapag nangyari iyon, susulitin namin ang araw na nabubuhay kami. Hindi na namin sasayangin iyon.

Napa buntong hininga nalang ako.

Nandito ako ngayon sa place kung saan tinatayo ang pinagawang bahay ni Miss Madrigal.

Isa din sa pinoproblema ko 'yan si Miss Madrigal. Nilalandi niya ako sa harap ng mga kasama kong construction worker.

Alam naman ni Miss Madrigal, na may girlfriend na ako at mag kakaanak na kami. Nilalandi niya pa din ako.

Naalala ko nangyari last week.

FLASHBACK

habang busy ako sa pag tulong sa mga kasamahan ko may tumawag naman sa pangalan ko.

Tinignan ko kung sino at nakita ko si Miss Madrigal, pala ang tumatawag sa pangalan ko.

Agad akong lumapit ss kaniya.

"Bakit po?" Nakita ko siyang naka tingin sa akin.

Inaantay kong mag salita siya, pero ito nakatitig lang sa akin.

Medyo naiilang ako sa klase ng tingin niya. Para pinag nanasaan niya ako. Hindi ako assuming sadyang ayun lang ang hula ko, dahil ang lagkit ng mga tingin niya sa akin.

Nakita ko pa nga kinakagat niya ang ibabang labi niya habang naka tingin sa akin, kaya nakakailang talaga.

Napansin din ng mga kasamahan ko ang klase ng tingin niya.

"Miss Madrigal, kung hindi po kayo mag sasalita babalik po ako sa trabaho ko." Sabi ko sa kaniya.

"Teka, gusto ko sana ayain ka lumabas mamaya para kumain." Ayan nanaman siya sa pag aya niya sa akin.

"Pasensya na po kasabay ko ang asawa ko. Secretary ko pwede niyo pong ayain kumain sa labas, tutal magkakilala naman kayo. Staka mukhang bagay kayong dalawa." Nakita ko naman umirap siya sa akin.

Hindi kase niya kasundo si Haily. Kahit si Haily, ayaw niya kay Miss Madrigal.

"No, ayaw ko nga ang babaeng 'yun. Lagi niya akong inaasar and nakaka irita siya. Ayaw ko sa kaniya, ikaw lang gusto kong kasabay kumain." Naalala ko nung isang beses namin nakasabay kumain itong si Miss Madrigal.

Masama ang tingin niya kay Haily, kaya si Haily. Tinitignan din siya ng masama.

Kaya umaabot sa bangayan ang dalawa, na hinahayaan lang namin. Dahil malaki na sila kaya na nila ayusin 'yan if mag away sila.

Malay mo sila pala ng pinag tagpo, hindi lang nila alam.

Sabi nga nila the more you hate, the more you love.

Malakas ang pakiramdaman ko, magkakatuluyan sila. Kahit sabihin pa nilang hate nila ang isa't-isa.

Ganyan din naman kami ni Zain, tignan niyo mag kakaanak na kami.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon