CHAPTER 44

9.2K 275 31
                                    

Zain Pov

Five years na ang nakalipas wala pa ring balita kay Brooke.

Simula nang mawala siya at may nag padala ng video, na katalik niya ang babaeng Celeste Madrigal. Sinumpa ko na agad siya na mamatay.

Pero nung malaman ko na sinabi ni Miss Dawson, na posibilidad na pinainom siya ng isang gamot na pang painit sa katawan.

Naniwala ako agad sa sinabi niya.

FLASHBACK

Habang nag aantay kami ng balita sa mga pulis may nag send sa email ko. Hindi ko alam kung papaano nalaman ang email ko.

Binuksan ko agad iyon at nagulat ako dahil si Brooke at Celeste Madrigal. Magkasama. Naka patong siya kay Brooke, habang walang habas sa pag taas baba sa ibabaw ni Brooke.

Naririnig ko din na umuungol si Brooke.

Niloko niya ako, kung mahal niya ako hindi niya ako kayang lokohin at makipag talik sa babaeng pinag seselosan at kinaiinisan ko. Pinatay ko agad ang video.

Mamatay na siya, mamatay na sila parehas.

"Ahhhhh! Mamatay na kayo parehas!" Sigaw ko at pinag babato ko ang mga bagay na mahahawakan ko.

"Anak, please itigil mo na iyan." Pag mamakaawa ng nanay ko.

"Cait, bitawan mo na iyan. Baka mapaano ang pamangkin ko." Sabi ng kapatid ko.

Pero hindi ako nakinig.

"Niloko niya ako, kaya mamatay na sila parehas." Naramdaman kong may sumampal sa akin.

"Gill!" Sigaw nila sa pangalan ng taong sumampal sa akin.

"Sa tingin niyo ba magagawa niya iyan hindi mo nga tinapos iyong video!" Galit na sabi niya sa akin.

Tinignan ko siya ng masama.

"Bulag ka ba or tanga? Nakikita mo naman na sarap na sarap siya sa pangangabayo ng babaeng 'yun. Anong gusto mong gawin ko, tumawa dahil nakikita ko ang ina ng magiging anak namin na may katalik na iba at gusto mo tapusin ko iyong video." Umiiyak na sabi ko sa kaniya.

Lumuhod naman siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Makinig ka sa akin, Miss Monroe! Sa tingin mo ba magagawa ng kaibigan ko na lokohin ka? Sa buong buhay niya hindi siya nag loko kahit sa past relationship niya. Kaya wag niyong paniniwalaan ang nasa video, halata naman na wala siyang control sa katawan. At nakita niyo 'yong capsule na nasa mesa, sinabi ko na sa inyo na avanafil iyon. Drugs iyon pang painit sa katawan. Nag research na ako sa bagay na iyan, kung ano ang nakikita natin sa video ayun ang nangyayari sa kaniya." Bigla akong bumalik sa katinuan ko.

Tama siya hindi niya magagawang lokohin ako.

"I'm sorry. I'm really sorry." Hinging paumanhin ko at niyakap ako ng ate ko.

"Shhhh, matatapos din ito. Hahanapin natin si Ash." Ang sakit.

Bakit nangyari pa ito, sana noon paman pina patay ko na ang babaeng sumira sa pamilya namin.

Sana wala ng sagabal sa amin at masayang namumuhay kasama ang magiging anak namin.

Umiyak nalang ako nang umiyak hanggang sa mawalhan ako ng malay.

END FLASHBACK

"Mommy, umiiyak ka nanaman." Sabi ng anak ko sa akin.

Niyakap ko naman siya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now