CHAPTER 50

8.8K 277 15
                                    

Nandito ako ngayon sa company namin ni Gill. Naka balik na ako sa trabaho at iba na ang secretary ko. Napag desisyonan ko na gawing manager si Haily, lalo na deserve niya.

"Umuwi kana. Kaninang umaga ka pa nandito, ako na bahala dito sige na." Hindi ko namalayan nandito na pala si Gill.

"Ahh oo. Uuwi na din ako staka susunduin ko pa si Zain, may umaaligid kaseng unggoy eh. Sige mauuna na ako. Mag ingat ka dito." Sabi ko sa kaniya.

Mahigit isang buwan na din ako naka uwi sa pamilya ko pero sa loob ng isang buwan na 'yon na bebwesit ako sa Lawrence, na 'yon.

Ginugulo pa din niya si Zain, sinasabi sa akin na nilalandi pa din niya si Zain.

Kailangan ko ng maka punta agad sa company namin, baka nandoon nanaman 'yong unggoy na 'yon.

Si kuya at Zain, ang namamahala sa mga company namin. Bilang mag business partner, iisang company na din ang pamilya namin.

Sumakay na ako sa kotse ko at dumeretso na sa company nila.

Pag dating ko binati naman ako ng mga empleyado, kaya binati ko din sila pabalik.

Pag pasok ko sa office ni Zain, may narinig akong mag uusap.

"Sige na Cait, kahit isang beses lang titigilan na kita. Makipag date ka lang sa akin, pag tapos non hindi na kita guguluhin." Hindi muna ako pumasok at inantay ang respond ni Zain.

"Fine, wag mo na ako kulitin. Pag bibigyan kita na makipag date sa akin, pero please tigilan mo na ako. Dahil mahal ko ang pamilya ko." Napa yukom ako ng kamao.

Seryoso? Makikipag date talaga siya knowing na pinag seselosan ko ang lalaking 'yon.

"Yes, promise pag natapos ang date natin hindi na kita guguluhin. Pero pag nag bago isip mo at ako ang pinili mo, promise sasaya ka sa akin at magiging normal ang relasyon mo. Hindi ka ba nahihiya na babae ang mapapangasawa mo?" Inantay ko ulit ang respond ni Zain.

"Hindi, bakit ako mahihiya lalo na kung mahal ko staka may mga anak na kami. Kung huhusgahan man kami ng mga tao. Wala na akong pake alam, basta nag mamahalan kami at wala kaming tinatapakan na tao." Kahit papaano nabawasan ang inis ko sa unggoy na 'yon, pero 1 percent lang nabawasan.

"Alam mo ba makasalanan 'yan sa diyos?" Ayan nanaman sila nag lapag nanaman ng card nilang makasalanan daw sa diyos.

"Hindi, makasalanan ang mag mahal. Mas makasalanan ang mga taong mapang husga, kahit wala namang ginagawang mali sa kanila. Staka makasalanan din ang nakiki apid kahit may pamilya na." Tama siya.

Mas masahol pa nga ang mga rapist, kesa sa mga part ng lgbt.

"Ok sinabi mo eh. Basta mamaya 7 pm, sunduin kita dito sa office mo. Tapos punta na tayo sa place na ihahanda ko." Bago pa siya lumabas ay umalis na ako.

Sinabihan ko ang mga empleyado na wag nila sabihan si Zain, pumunta ako sa company nila.

Kinontak ko si kuya at nang hiram ako ng sasakyan.

Pumayag naman siya pero gusto niya malaman para saan. Wala na ako nagawa kundi sabihin sa kaniya at nakita ko ang inis sa mukha ni kuya.

Kahit pala siya naiinis sa Lawrence na 'yon.

Nandito ako ngayon sa parking lot, dahil balak kong sundan sila. Dahil masama ang pakiramdam ko sa pag aya nung unggoy na iyon. Parang may mang yayaring hindi maganda, kaya kailangan kong sundan ang mahal ko.

Maya-maya may tumawag naman sa akin.

"Hello, hon. Where are you? Kanina pa kita inaantay." Oo nga pala pupunta ako sa office niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now