CHAPTER 32

13.8K 401 114
                                    

Caitriona Zain Monroe Pov

After 3 years, she's back.

Matagal ko din inaantay ito and now I will continue with my plan.

Ibabalik ko ulit ang pag mamahal niya sa akin, matagal ko na itong pinang planuhan kahit nasa state pa lang siya.

Binigyan ko lang siya ng oras, para i enjoy niya ang paninirahan niya  sa state.

Now it's my turn to win her back.

Wait for me Brooke, sa akin ka pa din babagsak. This time ako naman ang gagawa ng paraan, para mahalin mo ako ulit. At kapag nangyari iyon, hindi na kita papakawalan.

Tama na ang tatlong taon na sinayang ko. Siguro ngayon deserve mo naman na mahalin at habulin ka.

FLASHBACK

"Hindi ka talaga nag iisip, hinayaan mo 'yung bata na 'yun. Hindi deserve ni Ash, na iwanan. Kung tutuosin, si Ash, na ang perfect para sa iyo. Siya 'yung taong bibigyan ka ng magandang buhay at siya 'yung tao na mag bibigay ng saya at pag mamahal, na hindi kaya ibigay sa 'yo ng ex boyfriend mo. Ngayon wala na divorce na kayo, tapos uuwi ka sa amin at umiiyak ka dahil iniwan ka niya? Hindi ba kasalanan mo naman ang lahat bakit ka iniwan." Galit na sermon sa akin ni dad.

He's right this is my fault. Kung hindi ako na duwag, sana nasa akin pa din siya.

Nag padala ako sa damdamin ko  ipinilit ko na si Dave, ang mahal ko kahit alam kong wala na talaga akong feelings sa kaniya.

I'm afraid people will judge me.

Isang malaking tanga na hinayaan kong masaktan si Brooke, sa katangahan na ginawa ko at desisyon ko.

Dave is right, hindi deserve na iwan ko si Brooke at piliin siya.

Dave broke up with me. Kase alam niyang wala na talaga akong feelings sa kaniya, pilit nalang ang lahat na pakikisama ko sa kaniya.

And i'm stupid na sinaktan ko din siya.

"Anong gagawin mo ngayon, wala na siya umalis na siya ng bansa. Nag pull out na ang pamilya nila sa company natin, dahil sa ka gagahan mo." Hindi ko alam kung mahalaga ba kay dad ang company over me.

"Mahalaga po ba ako sa inyo or ang company lang ninyo ang iniisip niyo?" I asked him.

"Both. Mahalaga ka sa akin at ang company, ginagawa ko ito para sa inyo ng ate mo. Ginagawa ko ito, dahil si Ash, ang gusto kong makasama mo hanggang sa pag tanda mo. I'm dying Cait, may sakit akong tumor sa utak. Ginagawa ko ito, para pag namatay ako at naiwan kayo ng mommy mo may ibibigay manlang ako sa inyo.

Alam kong mamatay na ako, kaya nga hinanapan kita ng tao na mag aalaga sa iyo hanggang sa pag tanda. Isa din sa rason ko, kung bakit ayaw ko kay Jefferson. Dahil alam kong hindi kayo ang para sa isa't-isa, noon pa man hindi ko na gusto ang lalaking iyon sa iyo. Dahil sasaktan niya lang ang bunso ko." Umiiyak na sabi ni dad sa akin.

Hindi ko na din mapigilan ang hindi maluha, dahil sa mga revelation na sinabi niya.

All this time para sa amin nila ate, ang lahat na pag sisikap niya.

"I'm sorry anak, kung na fefeel ninyo ng ate mo na hindi kayo mahalaga sa akin at ang company lang ang mahalaga sa akin. Ayaw ko lang talaga na wala akong maiwan para sa inyo, alam niyo naman na itinakwil ako ng aking mga magulang. Dahil minahal ko ang mommy niyo. Sana maintindihan mo, kung bakit si Ash. Ang gusto kong mapapangasawa mo.

Ang daddy ni Ash, siya ang tumulong sa akin para marating itong kinakatayuan natin. Kung hindi dahil sa pamilya niya, baka hindi ninyo mararanasan itong nararanasan niyo ngayon." Dagdag na sabi ni dad.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now