CHAPTER 21

9.9K 320 43
                                    

"I know gusto mo din siyang balikan. Bakit hindi mo balikan, halata namang mahal niyo pa ang isa't-isa." Pekeng sabi ko sa kaniya kahit ang totoo nasasaktan ako.

"Follow your heart, Zain wag mong hayaan na mag stay ka sa isang tao or lugar na hindi ka masaya. Sundan mo kung ano ang tinitibok ng puso mo, I know sinubukan mo naman na mahalin ako diba and wala kang ginawang mali. Ginawa mo lang ang best mo, para mahalin ako. Kaya kung ako sa'yo sundin mo gusto ng puso mo." Mahabang paliwanag ko sa kaniya.

Tanggap ko naman na hindi niya talaga ako kayang mahalin, nag hangad lang talaga ako na mapapa ibig ko siya.

"How about you? I know nasasaktan ka." Ngumiti ako sa kaniya at hindi ko napansin na may luha na palang tumulo sa mata ko.

Lumapit siya sa akin at kumuha siya ng tissue.

Pinunasan niya ang luha ko. "It's ok, hindi naman kita mapipilit na mahalin ako staka ako ang nag offer na subukan mo lang. Kaya wag mo ako alalahanin sabi nga nila kapag mahal mo, hahayaan mong sumaya sa sa iba." Mas lalo akong napa iyak at nakita kong napa iyak na din siya.

"I'm sorry, I do my best but I failed. Nabigo kita i'm really sorry Brooke, nasasaktan ka ngayon dahil sa akin. Hindi ko intention na masaktan ka, hindi ko talaga sinasadya." Hinging paumanhin niya sa akin.

"Shhhh, hindi mo kasalanan. Kasalanan ko 'to kaya wag mong sisihin ang sarili mo." Yumakap siya sa akin kaya niyakap ko din siya pabalik.

"Sige na mag ayos na tayo, may pasok pa tayo baka isipin ng mga studyante na hindi kana papasok." Sabi ko sa kaniya at tumango siya.

"Thank you, Brooke. Swerte ng mag mamahal sa'yo sadyang hindi lang talaga ako ang para sa'yo." Tumango naman ako.

"It's ok no problem, siguro nga hindi lang talaga ikaw ang para sa akin." Nag ayos na kaming dalawa at nauna akong pumasok sa room, baka kase mag taka ang mga studyante na bakit sabay kami pumasok at parehas maga ang mata namin.

Natapos ang klase namin, tahimik lang ako. Sumasagot naman ako kapag may tanong siya.

I know na pansin niya ang pagiging tahimik ko.

Tumayo na ako at nag ayos na ako ng aking gamit. Nang makalabas na ang mga kaklase ko ay lumabas na din ako, hindi na ako lumingon kay Zain, na tinatawag ang pangalan ko.

Kailangan ko ng lumayo sa kaniya, at iwasan na magkaroon kami ng interaction.

Tinext ko sila Maia, kung free ba sila ngayon. Aayain ko sana uminom kaso sabi busy sila kaya ako nalang mag isa.

I need beer gusto kong magpakalasing ngayon. Siguro sa condo na muna ako uuwi, dahil gusto kong mapag isa.

Pag dating ko sa parking lot, naabutan ko si Jefferson na naka ngisi sa akin ngayon.

"I told you, hindi mag tatagal sa akin pa din bagsak niya." He said to me and I roll my eyes to him.

"Share mo lang?" Tanong ko sa kaniya at nakita kong kumunot ang noo niya.

"What did you say?" Hindi ko alam kung bobo ba 'tong Jefferson na 'to or hindi niya lang gets sinabi ko.

"Wala, sabi ko congrats ikaw panalo." Ngumisi ulit siya sa akin.

Panget niya, para siyang adik.

"Oh, thank you kiddo. Hanap ka nalang ng iba 'yung kayang mahalin ka at hindi ka sasaktan, kung may tatanggap pa sa'yo lalo na sa condition mo." Tumingin pa siya sa ibaba ko kaya hindi ko nalang din pinansin.

"Jeff stop!" Napalingon kami dahil sa sinabi ni Zain.

"Why, sinasabi ko lang kung ano ang sinabi mo. Hindi ba sinabi mo wala ng tatanggap sa isang freak na kagaya niya, wala naman masama sa sinabi mo diba totoo naman. Staka dalawang gender lang ginawa ni lord ang babae at lalaki." Napayukom ako ng kamao dahil sa mga narinig ko.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now