CHAPTER 36

12.7K 363 19
                                    

"Grabe, Gill. Malapit na matapos itong pina ayos mo. Excited na ako makita ang building natin. Architect Gillian." Naka ngiting sabi ko sa kaniya, habang pinapanood namin ang mga construction worker.

Matatapos na itong ipinagawa naming building, para sa magiging business namin. Bilang architect at engineer.

Masaya ako na siya ang kapartner ko, paniguradong kikita kami lalo na sikat si Gill, bilang architect.

"Ilang buwan nalang matatapos na ito. May naisip ka bang business name natin, bilang magkapartner tayo dapat may name tayo ng company natin." Tama siya pero wala pa akong na iisip.

"Wala pa akong naiisip. Ikaw ba?" Baka meron siyang naisip matalino pa naman 'to.

"McKenna and Dawson's company nalang. Para malaman din nila kung kaninong apelyedo ang sikat na company, na ito. Pero mag iisip pa ako baka may mas maganda pang pangalan." Tumango-tango naman ako.

Para sa akin kahit anong pangalan, basta maitayo lang ang company namin.

"Kumusta na kayo ni Miss Monroe. Balita ko nagka-balikan na kayo, totoo ba?" Tanong niya at tumango ako.

"Oo, totoo lahat." Tinignan naman niya ako.

"Are you sure or sapilitang nagka-balikan kayo?" Napalunok naman ako sa sinabi niya.

Naalala ko hindi pala madaling maloko 'tong tao na 'to.

"Sa totoo lang sapilitan pero mahal ko pa rin naman siya, binibigyan ko lang siya ng chance kung nag bago na ba siya." Baka totoong nag bago na siya.

"Siguraduhin niya lang. Once na mabalitaan kong niloko ka niya ulit, ako na ang makakaharap niya. Sige na mauuna na ako sa iyo nag text na si Ynari, sa akin. Hinahanap na ako ng anak ko." Tumango naman ako.

"Ingat ka. Uuwi na din ako." Sumakay na siya sa sasakyan niya.

Nilapitan ko naman ang mga construction worker.

"Kumusta na po kayo. Kumain na po ba kayo ng meryenda?" Baka kase hindi pa sila kumakain.

"Hindi pa po, ma'am. Mamaya nalang po kapag natapos namin itong pag semento." Tumango naman ako.

"Sige mga kuya. Oo nga pala may parating na order ako dito. Ayun po ang pag kain niyo, bilang pasasalamat sa pagiging masipag niyo. Sagot ko na ang meryenda niyo." Nag pasalamat naman siya.

Umalis na ako at bumili ng langka dahil gusto ni Zain, 'yun lalo na nag dadalang tao siya.

Mahigit limang buwan na din, simula nung pinag bataan niya ako.

Maayos naman ang samahan namin, nakikita kong nag eeffort siyang bumalik ang pagmamahal ko sa kaniya.

Tumigil na din ang pananakit niya sa akin. Na kinahinga ko, dahil kapag nag patuloy pa din ang pananakit niya isusumbong ko na siya kila mommy. Wala na ako pake kung kumalat man ang scandal namin, basta matigil lang ang pananakit niya sa akin.

Sa limang buwan na magkasama kami, unti-unti ko na tinatanggap na matatali na talaga ako kay Zain. Hindi naman siguro masama bigyan ulit siya ng chance, basta ipakita niya lang nag bago na talaga siya.

Sa ngayon hindi ko pa din ibibigay ang tiwala ko sa kaniya at pag mamahal ko.

Kailangan ko mag tira sa sarili ko. Ayaw ko ng umasa ulit, kung mag babago siya edi mag bago siya at ipakita niya na worth it ang oo ko sa kaniya.

Sa ngayon makikiramdam muna ako at mag fofocus sa business na itatayo namin ni Gill.

Pag tapos kong bumili ng langka ay umuwi na ako.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now