CHAPTER 40

10.9K 328 26
                                    

Nandito ako ngayon sa office ko, dahil work time. Si Gill, nandoon din sa office niya busy gumawa ng blueprint. Para sa bagong client namin.

Habang busy ako dito sa office ko may pumasok naman. Secretary ko pala si Haily. Anak siya ni Manang Flor, kaya hindi nag seselos si Zain.

Kapatid na din turing namin dito kay Haily. Mabait ang mama niya at ang sipag, kaya napag isip din namin ni Zain. Bilhan sila ng bahay syempre nag pagawa ako kay Gill.

Hindi pa alam nila manang ito. I susurprise namin siya sa birthday niya, kahit si Haily. Hindi niya alam ito.

Gusto namin ma surprise ang mag ina, dahil iniwan na pala sila ng haligi ng tahanan.

Nakakalungkot lang sa mga mag ina or mag ama na iniiwan ng kanilang mahal.

Kung mag aasawa ka, siguraduhin niyong may sapat kayo na financial at stable na trabaho. Para 'yung partner niyo hindi niyo mapabayaan.

Staka wag muna kayo mag anak, kung iiwan lang din ninyo. Be responsible, hanggang maaga pa siguraduhin niyo na tama desisyon niyo sa buhay.

Hindi lang dapat ang partner niyo ang gumagalaw, dapat parehas kayo. Nag tutulungan kayo, kaya nga partner eh.

"Ma'am, nandito po si Miss Madrigal. Gusto daw po kayo kausapin, papasukin ko po ba. Alam ko naman sitwasyon niyo baka magalit si ate Cait, kapag nalaman niyang pinapasok mo siya sa office mo." Haily's right.

"Ako na lalabas. Dito ka lang at sabihin mo kay ate Cait, mo na kausap ko si Miss Madrigal. Alam mo naman 'yun may mga mata sa paligid." Tumango naman siya, kaya lumabas na ako para kausapin si Miss Madrigal.

Pag labas ko naabutan ko siyang naka upo. Tumayo naman agad siya at ngumiti sa akin, nung nakita niya ako lumabas sa office ko.

"Hi, Ash." Bati niya sa akin.

"Ano pong kailangan niyo, Miss Madrigal?" Gusto kong matapos na agad itonf pag uusap namin, dahil hindi ako comfortable na kausap siya.

"Parang pinapaalis mo na ako agad niyan. Hindi pa nga tayo nag kakamustahan. By the way kaya ako nandidito, dahil gusto kong sabihin sa 'yo. May pina extension akong place, sa bahay na pinapagawa ko. Alam na ni Miss Dawson, ito and may design na siyang ginawa para sa akin. Ako na ang nag sabi sa 'yo para hindi na natin maabala si Miss Dawson." Napa tango-tango naman ako sa kaniya.

"Wala pong problema, sasabihan ko po ang mga tauhan ko na may extension sa bahay na pinapagawa niyo." Magalang na sabi ko sa kaniya.

Kailangan maging professional tayo, kapag kaharap natin ang mga client natin. Kahit kaibigan pa natin 'yan, kailangan maging professional.

"May gagawin ka ba ngayon, Ash. Aayain lang sana kita lumabas, kain tayo libre ko na." Alam ko na 'yung ganito kaya hindi niya ako maloloko.

"Hindi na po. May pagkain na niluto ang asawa ko. Kaya salamat nalang po, sige mauuna na po ako sa inyo." Paalam ko at aalis na sana ng hawakan niya ang braso ko, kaya tinignan ko siya ng nag tataka.

"May sasabihin pa po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Nothing. Take care yourself." Akala ko naman may sasabihin pa siya.

"Sige po, kayo din po." Umalis na ako at pumasok ulit sa office ko.

"Musta, ma'am. Inaaya ka nanaman siguro kumain ni Miss Madrigal?" Ano pa nga ba, lagi naman ganito kapag bumibisita si Miss Madrigal.

"Walang bago. Ganon pa din, alam mo naman 'yun. Hindi napapagod kakaaya, kahit ilang beses ko na siyang tanggihan." Natawa naman siya.

"Alam mo ma'am, lakas din ng amats ni Miss Madrigal. Lakas maka landi akala mo lalandiin pabalik." Natawa naman ako sa sinabi niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora