CHAPTER 39

10.7K 331 12
                                    

After 1 month natapos din ang building na pinatayo namin ni Gill. Excited na din ako dahil uuwi na si Maia.

Isa nalang kulang sa amin si Ivo. Ayaw pa kaseng sabihin ni Gill, kung nasaan si Ivo eh.

Habang nag kakape ay may yumakap naman sa likod ko. Alam ko na agad kung sino 'yun, dahil amoy pa lang alam ko na.

"Why are you here?" Umupo siya sa tabi ko.

"Nag papa hangin lang po. Maganda kase simoy ng hangin ngayon eh, staka excited lang ako bukas. Dahil mag oopen na ang company namin ni Gill." Masayang sabi ko sa kaniya.

"I'm happy for you. Natupad mo na ang pangarap mo." Hinalikan ko siya sa noo.

"Thank you, hon.  You are always be here. Naka support ka palagi sa mga desisyon ko." Hinalikan ko ulit siya pero this time sa labi na.

Agad naman siyang tumugon sa halik ko, na kinangiti ko sa pagitan ng halikan namin.

Maya-maya naputol din agad, dahil malapit na kami maubusan ng hininga.

Sana ganito nalang palagi, sana wala na kaming problema. Tama na 'yung 3 years, nakaka pagod na.

"Malapit kana manganak, hon. Sure ka bang sasama ka bukas, baka mapano ka eh. Delikado maraming tao pa naman bukas. Kila tita ka muna, uuwi din naman ako agad pagkatapos ng opening. Staka si Gill, naman na daw bahala kahit mag pakita nalang ako para sa cutting ribbon." Nag aalalang sabi ko sa kaniya.

"No, sasama ako. Baka landiin ka nung, Madrigal na 'yun." Napabuntong hininga ako.

"Hon, listen to me. Maraming tao bukas baka mahilo ka, staka ayaw kong may mangyari sa iyo. Promise 30 minutes lang ako doon, tapos susunduin din kita." Sana pumayag siya.

"Ok, fine hindi na ako sasama. Basta mag video call ka, habang nag r-ribbon cutting kayo. Gusto kong masaksihan ang ribbon cutting, kahit virtual lang. Gusto ko makita ang asawa ko na mag gugupit mg ribbon, dahil mag bubukas na siya ng company kasama ang kaibigan niya." Napangiti naman ako.

"Opo, hon. Mag v-video call tayo, kahit pag alis ko pa hanggang pag uwi ko pa para makita mo galaw ko." Naka ngiting sabi ko sa kaniya.

"Good." Niyakap ko siya hanggang sa napag isipan naming pumasok sa bahay.

Nakita namin si Manang Flor, nag lilinis ng kusina.

Magaan ang loob namin sa kaniya dahil mabait siya at maalaga.

"Gusto niyo ba ma kakain, mga anak?" Anak tawag niya sa amin ni Zain.

"Hindi na po manang. Busog pa po kami staka kailangan mag pahinga ni Zain. Alam niyo naman po isang buwan nalang manganganak na siya." Ngumiti naman si manang sa amin, habang naka tingin siya sa amin.

Naka yakap kase sa akin si Zain.

"Naku, kayong mga bata kayo. Baka nag papagutom kayo ah. Sige na mag pahinga na kayo diyan." Yumakap kami kay manang.

"Alam mo manang. Ikaw nalang po ang kumain, baka awayin kami ng mga anak mo dahil ang mama nila pinapabayaan ng amo niya." Napa iling naman si manang sa akin.

"Oh siya sige na, mag pahinga na kayo mga anak." Nag paalam na kami at umakyat na ng taas.

Pag akyat namin ay humiga agad si Zain. Tinabihan ko naman siya at yumakap siya sa akin.

Naka make sure na safe ang baby namin.

"Anong ipapangalan natin sa anak natin, hon?" Tanong ko sa kaniya.

"Akiesha Claire Monroe McKenna." Napangiti naman ako, dahil ang ganda ng pangalan ng magiging anak namin.

"Ang ganda. Kasing ganda ng nanay na pumili ng pangalan." Naramdaman kong kinurot niya ang tagiliran ko, kaya napa ngiwi ako sa ginawa niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora