CHAPTER 3

9.4K 308 44
                                    

Graduation day na namin ngayon kaya excited ako, dahil college na kami ni Gill.

Sila dad at mom kasama ko ngayon, at si Gill hindi niya kasama ang daddy niya. Balita ko kase hindi sila ok ng daddy niya.

Siguro si Ma'am Wilson ang kasama niya sa pag akyat sa stage.

Kawawa naman si Gill, pero ayaw niyang kinakaawaan siya dahil na iirita daw siya nag mumukha siyang kawawa.

"Anak congrats may surprise ako sa 'yo mamaya." Napatingin ako kay dad.

"Talaga dad. Sige po aabangan ko 'yan mamaya." Nag simula na ang graduation namin at isa-isa na tinawag ang mga pangalan namin, nakakaantok nga eh dahil may speech pang nalalaman. Btw high honor pala ako pero secret kung ano 'yun.

Ganito lang ako pero matalino 'to, mukha lang bobo hihi.

Natapos ang graduation namin at ngayon may handaan kami sa bahay, at invited sila Gill at mga kaklase pati guro namin.

Nandito ako ngayon sa mansion namin at naka bihis na ako, simple lang suot ko.

Sila dad naka toxido pa at naka dress naman si mom.

Pag baba ko naabutan ko maraming bisita saamin, nakita ko pa sila kuya at asawa niya.

"Wow bunso gwapo este ang ganda mo naman mana ka kay kuya." Ginulo pa ang buhok ko.

"Kuya naman, kakaayos lang ng buhok ko eh." Pinalo naman siya ng asawa niya.

"Bagay sa'yo baby." Yumakap naman ako kay ate Shanayah.

"Salamat ate sha. Ang ganda mo halatang hindi ka bagay kay kuya." Natatawang sabi ko sa kaniya.

Umupo na kami at si Brittany kasama niya mga kaibigan niya. Habang si Gillian nasa tabi ko.

Ang Step mom naman niya kasama mga kapwa guro.

"Congrats, i'm happy for you." Bati ni Gill saakin.

"Salamat Gill." Nag umpisa na ang party at nag salita na sila dad kasama si tito.

"Bago mag simula ang party gusto ko lang i congrats ang mga grumaduate, syempre pati ang anak kong gwapo na maganda. Anak Brooke i'm proud of you, your my best daughter." Kumaway pa ako kila dad at nagsi-tawanan ang mga bisita namin.

"Oo nga pala gusto namin sabihin sa inyo na, magiging partner kami nitong si Pareng Paeng." Sabi ni dad kay tito.

Oo nga pala i lilihim din namin yung kasal dahil 'yon ang gusto ni Ma'am at pumayag sila dad.

Habang nag kakasiyahan tinitignan ko si Ma'am Monroe, halatang nabobored siya sa party.

"Anak halika, may ipapakita ako sa'yo." Sumunod naman ako kay dad.

May binigay siya saaking susi, kaya tinignan ko 'to.

"Ano po ito dad?" Tanong ko sa kaniya.

"Susi ng condo anak, kung sakaling mag away kayo ng magiging asawa mo ay may condo kang uuwian." Napangito naman ako sa sinabi ni dad.

"Salamat dad." Yumakap ako sa kaniya at yumakap din siya.

Bumalik kami sa party at nag paalam na sila Gill na uuwi na.

Pumunta ako sa table nila mom. "Mom, dad mag papahinga na po ako sa kwarto."

"Ok anak pahinga kana." Humalik muna ako sa kanila ni dad. Nag paalam na din ako kila tito.

Pag akyat ko at pag dating ko sa kwarto ay may tumulak at nag takip ng bibig ko.

"Shhhh." Tumahimik ako.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now