CHAPTER 11

10.8K 322 67
                                    

Nagising dahil may naramdaman akong humahalik sa labi ko, pag dilat ko ng mata ay si ma'am ang humahalik saakin kaya napa tugon ako.

Nakita ko nagulat siya sa pag tugon ko. Aalis na sana siya ng idiin ko ang ulo niya sa akin, kaya wala na siyang nagawa kundi ituloy ang pag halik sa akin.

Nang mag sawa kami ay yumakap siya saakin at niyakap ko din siya pabalik.

Pero maya-maya bumangon din siya agad.

"Get up, you have to go to school." Bumangon naman ako at ganon din siya, sabay labas sa kwarto ko.

Naalala ko nanaman nangyari sa amin kagabi. Akala ko ako naka una sa kaniya, pero may naka una na pala sa kaniya.

Nandito na ako ngayon sa university. Nauna na din si ma'am sa akin pumasok, dahil may meeting pa daw sila.

Nakita ko si Gill na bagot naka upo sa upuan niya, kaya lumapit ako sa kaniya.

"Ang aga mo mare, pero yung mukha mo naka busangot." Tinignan niya ako at napansin ko may tinitignan siya.

"What is that?" Turo niya sa leeg ko, kaya tinignan ko ang leeg ko gamit ang camera sa phone ko.

Ganon nalang ang gulat ko dahil hickey ang nasa leeg ko. Hindi ko alam na nilagyan pala ako ni ma'am, ang wild niya masyado.

"Sinipsip ng lamok lang 'to." Naka ngiting sabi ko sa kaniya.

"Sinipsip ng lamok or sinipsip ni Miss Monroe?" Napa kamot nalang ako sa leeg ko.

"Shhhh ka lang mare." Bulong ko sa kaniya dahil walang nakakaalam, maliban sa family namin at kaibigan namin na kasal kami.

Ayaw ko naman masira ang reputation niya dito sa university. Staka hindi pa ako sure kung anong meron saamin or baka dala lang sa init ng katawa, ang meron saamin.

Nakita ko naman na papasok si Mareng Maia, kaya tinawag ko siya.

"Mareng Maia dito ka dali, may i chichismis ako sa'yo." Tawag ko sa kaniya.

"Hello mga mare ano yung chismis ang aga-aga pa chismis agad bungad." Natawa naman ako.

"Ano ka ba alam ko naman gusto mo rin 'to." Natatawang sagot ko.

"Oo nga pala bakit nandidito kayo eh iba naman mga course natin?" Nag tatakang tanong niya saamin.

"Ewan ko ito yung naka lagay sa papel ko gaya kay Gill." Sabi ko sa kaniya, ito kase nakalagay sa papel ko.

"Oo nga pala ano yung chismis mo sa'kin?" Tanong niya.

Lumapit naman ako at bumulong sa kaniya. "Nag seggs kami ng asawa ko hihi." Nakita kong kumunot noo niya.

"Teka ano yung seggs?" Tanong niya.

Napa tanga ako sa kaniya. "Hindi mo alam yun?" Umiling naman siya.

"Hindi ba ako mag tatanong kung alam ko yun mare." Nag peace naman ako sa kaniya aba malay ko bang hindi niya alam.

"Seggs meaning s*x, love making, kant*tan." Nakita ko naman yung paglaki ng mata niya.

"Hoy bunganga mo bastos 'to." Tumawa naman ako sa kaniya.

"Hindi mo alam yung segss diba kaya ayan sinabi ko na, para alam mo na." Natatawang sagot ko sa kaniya.

Nag kwentuhan nalang kami hanggang sa may pumasok, at nakita ko si Prof Lazano pala.

Tinignan ko nalang si Maia, nakita kong yumuko siya parang may tinataguan. Napansin ko din ang mga titig ni Prof Lazano, hmmm mukhang may something sa kanila sa susunod ko nalang itatanong kay Maia.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now