EPILOGUE

10.5K 299 47
                                    

Mahigit anim na buwan na ang nakaraan, noong sinubukan gahasain nung Lawrence na 'yon si Zain.

Ngayon nasa kulungan na sila parehas at nalaman kong lulong pala sa droga ang lalaking iyon.

Humingi din ng sorry sa amin ang magulang niya at ngayon galit na galit sila sa mag pinsan, dahil sa kasamaan na ginawa nila.

Patong-patong naman ang kinaso kay Celeste, kasama na doon ang pang aabuso sa akin five years ago.

Naka usap na din ni Carl, si Celeste. Mabuting bata si Carl, kaya napatawad niya ang mommy niya.

Humingi na din ng sorry sa amin ang mag pinsan at pinatawad namin sila, pero pag babayaran pa rin nila ang mga kasalanan nila.

Nandito kami ngayon sa Newyork, napag desisyonan namin na nag bakasyon dito.

Kailangan din muna namin mag bakasyon lalo na marami din nangyari sa amin.

Deserve namin ito staka 'yong mga trabaho namin tuloy pa din naman. Si Haily na muna pumalit sa akin, dahil kaya naman niya 'yon. Habang si Gill nag papaka busy, dahil nilayasan siya ng mag iina niya.

Inilayo ni Miss Wilson, ang mga anak nila kay Gill. Dahil natatakot daw siya na baka masaktan ni Gill, ang mga bata.

Alam kong may mali si Gill, pero sa tingin ko hindi niya kayang saktan ang mga anak niya.

Sana lang magkaayos sila, dahil na aawa na ako kay Gill.

Lagi nalang siyang lasing mabuti nandiyan si Maia at Aki, sa tabi niya.

Sa katunayan nakilala ko si Aki, dahil kay Gill.

Sila naman talaga ang mag kaibigan, pero syempre kaibigan na din namin si Aki.

"What are you thinking?" Tanong ni Zain sa akin.

"Nothing, naalala ko lang mga pinag daanan natin. Deserve natin ito ngayon ang mag bakasyon, kasama ang mga anak natin." Sabi ko sa kaniya.

Kakatapos lang din namin mag love making.

Kakatapos lang din namin maligo.

"Wag mo na alalahanin 'yong past. Mag focus ka sa akin, sa amin ng mga anak mo." Sabi niya at tumango naman ako sa kaniya.

"I love you." Umupo naman siya sa kama at yumakap sa akin.

"I love you too. Let's sleep, maaga pa tayo bukas." Aya niya sa akin.

"Ok po. Mga bata chineck mo ba?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Tara na sleep na tayo, mahal ko." Sabi ko sa kaniya at namula naman ang pisnge niya.

Hinalikan ko siya sa pisnge at niyakap ko na siya.

Kinabukasan maaga ako nagising, para i text sila dad.

Dahil dito namin i c-celebrate ang birthday ni Zain.

Balak ko na din mag propose sa kaniya.

Panigurado iiyak siya mamaya, hindi niya alam na nag p-propose ako kahit inaasikaso na din namin ang wedding namin.

Wala kase kaming proper na engagement. Gusto ko naman maranasan niya na may kumuluhod sa kaniya at may singsing sa harap niya.

Sayang lang hindi makaka punta si Gill, Aki, at Ivo sa birthday ni Zain.

Di bale sisiguraduhin kong invited sila sa kasal ko.

Pag tapos ko i text sila dad ay nag luto naman ako ng umagahan namin. Natuto na din ako mag luto, dahil sa tulong ni Maia at syempre ni Zain din.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now