CHAPTER 24

11.8K 413 64
                                    

"Brooke, wake up." Pag gising ng isang babae sa akin.

Oo babae kase babae ang boses niya. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, at nabungaran ko na si Zain pala.

Bigla naman sumakit ang ulo ko, siguro dahil sa dami din na inom ko.

"Wake up, nandito na tayo sa bahay. Hindi kita kayang buhatin kaya please, maki operate ka sa akin." Tinignan ko siya at nakikita kong nahihirapan nga siya mag buhat sa akin.

"Sino ka? Bakit kaboses mo ang asawa ko staka kamukha mo. Double ganger ka ba niya?" Tanong ko sa kaniya.

Malabo ang paningin ko, kaya hindi ko namumukhaan ang babaeng kasama ko.

"I'm, Zain. Kung ayaw mong maniwala bahala kana, basta tumayo kana dahil nandito na tayo sa bahay." Inaalalayan niya ako makalabas sa kotse, habang ako naka akbay sa kaniya.

"Bakit nandito ka, sana hindi kana nag effort na sumundo sa akin. Magiging pabigat lang ako sa 'yo." Sabi ko sa kaniya pero hindi manlang siya nag sasalita.

Nang makapasok kami sa bahay ay dahan-dahan, niya akong inupo sa sofa at napa sandal naman ang ulo ko.

Parang binibiyak ang ulo ko, dahil sa sakit.

"Wait for me, kukuha lang ako ng towel para mapunasan ka." Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay.

"Wag na, maliligo nalang po ako staka umalis kana po. Kaya ko na ang sarili ko, hindi mo na kailangan na alagaan at asikasuhin ako." Pag tataboy ko sa kaniya. Baka may maging utang na loob pa ako sa kaniya, kung sakali.

"Shut up! This is my house too. Kaya may karapatan ako, kung kailan ako aalis at uuwi." Sabagay may point siya, habang kasal kami sa aming dalawa ito.

Dahil regalo ito ng aming magulang, kaya may karapatan din siya.

Tumayo na ako at umakyat. Matutumba na sana ako pero inalalayan niya ako maka akyat, at maka pasok sa kwarto ko.

Pag pasok namin ay dumeretso kami ng cr. Pag pasok ko sa cr, ay pumunta ako ng shower room at binuksan ko 'yon kahit hindi pa ako nag huhubad.

"Ghad, Brooke gusto mo ba magka-sakit? Hindi mo manlang hinubad 'yang mga damit mo, para makapag shower ka." Sermon niya sa akin at pumasok na din sa shower room.

Nakikita kong basa na din siya at sinusubukan niyang hubarin ang aking damit, pero pinigilan ko siya.

"Ako na po, umalis na po kayo. Hindi niyo kailangan gawin 'to, tignan niyo nabasa pa po kayo." Akmang huhubarin niya ulit ang damit ko, pinigilan ko ulit siya.

"Prof Monroe, alis na po ako na." Sabi ko sa kaniya.

"No, mamaya maka tulog kana dito. Ako na mag papaligo sa 'yo." Nagulat naman ako sa sinabi niya at parang biglang nawala ang pagka-lasing ko, sa sinabi niya.

"A-ako na po, kaya ko sarili ko staka hindi po ako matutulog." Utal-utal na sabi ko sa kaniya.

Tinignan naman niya ako sa mata, kaya napa titig din ako sa kaniya.

Hindi pa rin nag babago, maganda pa din siya.

Nakita kong napa tingin siya sa labi ko at napa kagat. Ewan ko kung guni-guni ko lang 'yon or hindi.

"Ako na mag papaligo, wag kanang makulit." Napa titig lang ako habang nararamdaman kong, sinisimulan na niyang tanggalin ang aking pang itaas.

Nang matanggal na niya ay sinunod niya ang sport bra ko.

Pagka-tapos niyang tanggalin ang pang itaas ko ay bumalik ulit ang tingin niya sa akin.

Napansin siguro niya kanina pa ako naka titig sa kaniya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now