CHAPTER 25

12.1K 380 49
                                    

To day ay nasa boracay kami, dahil mag c-celebrate kami ng pagka-panalo namin.

Kasama ko si Mari, habang sila Maia may mga sariling mundo kasama mga jowa nila.

Kung itatanong niyo kumusta ako?

Ito masakit pa din, tuluyan na kami nag hiwalay at single na kami parehas. Hindi ko na din kinakausap or tinitignan si Zain.

Si Mari, naging mag-kaibigan kami akala ko nga may gusto talaga siya sa akin.

Iyon pala pinag seselosan niya lang 'yung ex niya. Sira ulo din kase itong babae na ito.

Alam na din niya tungkol sa amin ni Zain, sabi niya kung siya daw si Zain hindi niya ako sasaktan.

Sabi pa nga niya pag selosan daw namin si Zain, baka mag selos at may gusto sa akin.

Pero impossible naman 'yun, lagi nga busy sa cellphone niya. Kausap niya 'yung Jefferson na bakulaw na 'yun.

Pinsan pala ni Prof Wilson, 'yung bakulaw na iyun.

Kaya pala kung maka tawag kay Prof Wilson ng insan, dahil pinsan pala niya pala talaga.

Hindi daw sila magka-sundo lalo na ang mga magulang nila.

"Hoy, ano mag d-drama ka nanaman at iisipin mo nanaman 'yang hilaw mong ex wife na sinaktan ka lang?" Napailing nalang ako sa sinabi ni Mari.

"Ikaw Mari, tumigil kana. Baka gusto mong sabihin ko sa ex mo na, mahal mo pa siya." Pananakot ko sa kaniya.

"Ang panget mo ka bonding." Napailing nalang ako sa kaniya.

Hindi ko nalang siya pinansin, dahil wala ako sa mood.

"Teka lang muna, Ash. Tawagan ko lang sila dad, maiiwan muna kita dito." Tumango lang ako sa kaniya.

Habang wala si Mari, ay tinignan ko si Zain. Halatang masaya siya, dahil kausap niya 'yung bakulaw niyang boyfriend.

Maya-maya naramdaman niya siguro may tumitingin sa kaniya at nilibot niya ang paningin niya, bago pa siya dumapo sa akin ay iniba ko na ang tingin ko.

Ayaw kong makita niya na tinitignan ko siya.

Ipinikit ko ang mata ko bago napag desisyonan kong, sumunod kila Gill.

Pag dating ko sa pwesto nila ay inakbay ko naman si Ivo.

"Mukhang nag kakasiyahan tayo dito ah. Anong meron?" Tanong ko sa kanila. Parang ang seryoso kase ng pinag uusapan nila.

"Wala naman nag tanong lang ako kay Gill, kung pwede ako mag pasama sa kaniya pag uwi. Bibili kase ako ng lupa, para sa business ko." Napatango naman ako.

"Oh, siya alis muna ako. Enjoy muna kayo dito may pupuntahan lang ako." Hindi ko na sila inantay na mag salita.

Pag ahon ko nakita ko naman sila Maia, kaya sinundan ko sila.

Pag dating nila sa batuhan ay nag tago ako. Hindi sa chismosa ako pero ganon na nga.

Habang pinag mamasdan sila na sweet nag yayakapan bigla akong nalungkot, ganito sana kami kung mahal niya ako kaso hindi eh.

Maya-maya nakita ko nag mukbangan sila, kaya napag desisyonan ko na umalis nalang.

Privacy nila 'yan, kaya kailangan alis na ako.

Grabe talaga itong si Mareng Maia, ang wild pati sa batuhan bininyagan.

"Where's, Maia?" Tanong ni Gill.

"Nandoon kasama ni Prof Lazano, nag e-exercise sila." Naka ngiting sabi ko sa kanila.

Nakita ko naman napa kunot ng noo si Ivo.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon