CHAPTER 17

9.5K 329 64
                                    

This few weeks, nag iba ang ugali ni Zain. Parang pagmamay ari niya ako, dahil nagagalit siya kapag may kinakausap or may kumakausap saakin na babae.

Kung hindi ko lang talaga alam na, may plano siya iisipin kong ayaw niya ako maagaw ng iba.

Pero hindi eh, kaya pala ayaw niya may kinakausap or kumakausap saakin na babae except sa mga kaibigan ko. Dahil nalaman daw ng dad niya na may communication pa sila nung Jefferson.

Kahit naman hanggang ngayon meron pa din, palihim silang nag kikita.

Akala niya ata hindi ko malalaman, sinusundan ko siya minsan. Naabutan kong nag m-make out pa sila ng bakulaw na 'yun, hindi ko nga alam kung may nangyari na ba sa kanila.

Kapag kasama naman namin ang parents namin, sobrang sweet niya saakin. Halatang pakitang tao lang.

Itong mga parents namin, mga uto-uto akala ata nila totoo pinapakita ng anak nila.

Napa iling nalang ako sa naisip ko.

Nandito nga pala ako sa condo ko ngayon, dahil pag tapos ko sundan si Zain ay dumeretso ako dito.

Lalong sumasama ang loob ko sa kaniya, pwede naman niya ako kausapin at sabihin na hindi niya ako kayang mahalin.

Maiintindihan ko 'yun, kahit mag panggap kami na sweet sa harap ng parents namin. Papayag ako basta sabihan niya lang ako.

Kapag hinahalikan niya ako sa harap ng parents namin, parang akala mo walang plano lakas maka best actress.

Tapos mag paalam mag c-cr daw pero nakikita ko nag t-toothbrush siya, at nag hihilamos.

Minsan nga naririnig ko pa magkausap sila nung bakulaw niyang boyfriend, diring-diri daw siya habang kasama ako.

Gusto ko na sana i sumbong kay tito, pero hindi ko magawa dahil ayaw kong magalit parents niya sa kaniya.

Ayaw kong kamuhian siya ng parents niya.

Tumayo ako at dumeretso sa mini bar na pinagawa pa ni dad, para saakin alam kase niyang pala inom ako kapag may problema ako.

Ito ang kadamay ko ang mga wine, kapag inaatake ako ng anxiety ko.

Ayaw ko naman istorbohin sila Maia, dahil may kaniya-kaniya din silang problema.

Lalo na si Ivo, naaawa na nga ako sa babaeng 'yon.

Gusto ko sana kayo i spoil, pero wag na lang. Basahin niyo nalang story niya.

Kung saaming apat ang pinaka need ng tulong si Ivo, kesa saamin.

Gusto ko sana siyang, tanungin kung ano na update sa problema niya. Baka maka tulong ako sa kaniya.

Mabuti nalang may isang tao, na dumating sa buhay niya at napaka laki ng tulong ng taong iyon sa kaniya.

Kaya thankful ako na dumating siya sa buhay ni Ivo. Gusto ko siyang ma meet, para pasalamatan siya sa ginawang tulong niya kay Ivo. Alam ko naman role niya 'yun, na tulungan si Ivo. Pero gusto ko pa din siya pasalamatan.

So balik tayo sa kwento ko ayun nga umiinom ako ngayon, dito sa condo ko dahil nasasaktan ako sa mga pasimpleng galaw niya.

Siguro kailangan ko munang mapag isa at mag isip-isip.

Kapag nagka-isip na ako, kakausapin ko si Zain.

Sa ngayon enjoy ko muna life ko bago ako masaktan sa susunod na chapter.

Kaya, kayo mga readers wag na magalit. Easy lang kayo ok.

Nang mahilo na ako sa aking iniinom ay napag pasyahan kong mag pahinga na, at matulog na dahil bukas aayain kong mag mall sila Maia.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt