CHAPTER 46

10.4K 314 52
                                    

Pag dating namin sa sala ay naabutan namin sila Zain.

Nakita naman nila kami at masama ang tingin niya sa amin ng anak ko, kaya itong anak ko yumakap ng mahigpit sa akin.

Naramdaman kong umiiyak siya sa leeg ko, kaya hindi ko din maiwasan na mapaluha.

"Mom, bakit nandito pa sila. Paalisin niyo na sila, hindi na namin sila kailangan ng anak ko."

Ang sakit marinig sa kaniya na ayaw nila kami makita.

"Anak, hayaan natin mag explain si Ash. Panigurado maiintindihan mo din siya." Sabi ni tita.

"Alam niyo po ba ang tungkol dito? Alam niyo ba lahat ito?" Tanong niya.

"Hindi namin alam ito, Cait. Kaya nga hayaan natin mag explain ang kapatid ko. Please wag muna natin unahan ang galit natin." Pakiusap ni kuya sa kaniya.

"Bakit pa, eh halata naman na iniwan na niya kami. Tignan mo may anak siyang dala." Sagot niya kay kuya.

Tinakpan ko muna ang tenga ng anak ko.

Kukunin sana siya ni mommy, pero ayaw ng anak ko.

"Please makinig ka muna Caitriona Zain! Kung buhay pa si daddy, i'm sure ito din sasabihin niya sa iyo. Kaya wag mo agad pangunahan ng galit, kung hindi mo pa alam ang buong pangyayari at kung ano ang mga pinag daanan niya!" Galit na sabi ng ate niya.

"Ok, fine hahayaan natin siya mag explain." Sumusukong sabi niya.

Bago ako mag salita ay sinabihan ko muna ang anak ko na doon muna siya kay mommy.

Pumayag naman agad siya, kaya masayang kinuha siya ni mommy.

Yumakap naman agad ang anak ko kay mommy.

"Hon—" Pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Zain not hon." Napa tungo naman ako at tumango.

Humarap ako agad at bumuntong hininga.

"Nung araw na kinidnap ako, masakit sa akin iyon Zain. Dahil marami akong naranasan na pananakit kay Celeste Madrigal, hindi ko ginusto 'yung sinend niyang video sa iyo. Alam kong napanood ninyo iyon, halata naman na pinainom niya sa akin iyong avanafil kaya nawalhan ako ng control. Pero lumaban ako, lumaban ako sinubukan kong maka takas. Pero nahuli niya agad ako at pinag sasampal at suntok.

Kung alam mo lang ang pinag daanan ko sa kamay niya. Kinabukasan non, balak kong tumakas ulit pero pinag bantaan niya ako. Kapag tumakas ako papatayin ka nila kayo ng anak natin. Hindi ko kaya iyon, Zain. Dahil ikakamatay ko kapag nangyari iyon.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya hanggang sa sinabi niyang, aalis kami ng bansa at sa spain maninirahan. Pinapili niya ako kung sasama ba ako sa kaniya or papatayin kayong lahat. Wala ako nagawa kundi sumama, dahil mahalaga kayo sa akin.

Simula nung sumama ako pinag samantalahan niya ang kahinaan ko, ginalaw niya ang katawan ko hanggang sa nabuntis siya at 'yon ay si Carl. Galit na galit ako sa sarili ko, dahil hinayaan kong may mabuo sa sinapupunan niya. Binalak kong patayin ang batang nasa sinapupunan ni Celeste, pero hindi ko ginawa dahil mabuti akong tao. Hindi ko kaya idamay ang batang walang kamuwang-muwang sa mundo.

Kaya nagkaroon ako ng plano, kinuha ko ang tiwala niya sa akin. Sinunod ko ang mga gusto niya para lang hindi ako mabugbog niya. Kaya kung galit ka sa akin, mas galit ako sa sarili ko. Kung hindi mo kami matatanggap ng bata mas ok pa na umalis nalang kami at hindi na kami mag papakita. Pero iniisip ko din na papaano ko sasabihin ito kay Carl, lalo na umasa siya na makilala kayo dahil lagi kong pinapasok sa utak niya na ikaw ang totoong nanay niya at hindi si Celeste.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon