Chapter 1

1K 14 3
                                    


Maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas ng bahay namin.

“Ano ba ‘yan.” ang sabi ko na lamang.

Tumayo na ako at kinuha ang aking cellphone na nasa desk ko. Binuksan ko ito para tignan kung anong oras na.

“WHAT???” bigla kong sigaw.

7:30 na pala ng umaga.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba.

Nakita ko si Mama na nagluluto.

“Ma, bakit ‘di mo ‘ko ginising?” tanong ko sa kanya.

“Oh, anak. Gising ka na pala.”

“Ay ‘di, Ma. Tulog pa ako. Zzz” pabiro kong sabi sa kanya.

“D’yan ka magaling.” sabi niya naman at ibinigay niya sa ‘kin ang plato na may kanin at ulam na.

“Salamat, Ma.”

“Alam kong late ka na. Kaya ‘yan. Bilisan mo na d’yan, nang hindi ka ma-late sa klase mo.”

“Hindi na kita ginising kasi alam kong may alarm clock na tayo.” patuloy nitong sabi.

“Kapitbahay nga naman.” saad ko, habang sinusubo ‘yung kanin.

“Oh, siya. Inihanda ko na rin ‘yung uniform mo. Bilisan mo na r’yan.” sabi ni Mama at nagtungo ito sa may sala namin.

“Done na po kayong kumain, Ma?” sigaw ko rito.

“Yes, Anak.” sagot naman nito.

Binilisan ko ang aking pag kain dahil mala-late na talaga ako sa first subject namin.

8:40 pa naman mag sstart ‘yung first subject but, need ko pa mag commute papuntang school tas maglalakad pa ako.

Biglang nag vibrate ang phone ko na nasa mesa. Tinignan ko ‘to.

Mensahe galing kay Ningning.

Ningning:
[Hoy, Girl? What time ka makakarating dito?] basa ko rito.

Ang aga niya naman?

Kinuha ko ang aking phone at ni-replyan ko ‘to. Kahit alam kong mala-late na ako. Nagawa ko pa ring mag reply.

Winter:
[Maliligo pa lang ako.]

Pagkatapos kong isend ang mensahe ay agad na akong tumayo at nagtungo sa banyo.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now