Chapter 22

141 7 0
                                    

Nandito kami sa canteen ngayon at kasalukuyang kumakain. Kasama ko sina Ningning at Yeji. Bumili ako ng chips at isang royal na mismo. Nakaramdam kasi ako ng gutom, kaya inimbitahan ko ang dalawa na sumama na sa akin.

Bumili rin sila ng makakain nila at habang kumakain ay dumapo sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Karina noong nakaraang araw.

Kinilig talaga ako mga ante!

Paano ba kasi, sabi niya, sa lahat ng nakikita niyang babae rito sa campus, sa kagandahan ko lang daw siya naa-attract tapos sabi pa niya na ang cute ko raw, kaya lagi niya akong tinatawag na ‘baby’

Tapos tinanong niya rin pala ako kung bakit hindi ako nagsabi sa kanya agad na gusto ko rin siya. Ewan ko rin ba kung bakit ko ‘yon ginawa; ‘yung tanungin niya ako if gusto ko rin ba siya.

“Kinikilig na naman, parang kailan la—” hindi natapos ang sasabihin ni Ning nang binato ko sa kanya ang walang laman kong water bottle sa kanya.

“Nakakarami kana, ah!” sigaw pa nito sa akin. Bumaling ako ng tingin kay Yeji at tumawa lang ito sa amin.

“Ingay mo e.” sagot ko rito.

Paano ba kasi, kahapon noong pumunta kami dito na kami lang dalawa, panay tanong sa akin kung ano raw ang nangyari tapos ako naman, hindi ako sumasagot sa kanya kasi busy akong kumain tapos siya, sumisigaw na parang bingi ‘yung kausap niya. Lumalabas na rin ‘yung ugat niya sa leeg kakasalita niya ng pasigaw.

“Winter, una na ako. Kikitain ko pa kasi mga kaibigan ko.” ani Yeji at tumayo na ito.

Nagpaalam na kami ni Ning at tuluyan na rin itong lumabas ng cafeteria. Naiwan nalang kaming dalawa ni Ning at tinignan niya lang ako ng masama.

Ano na naman trip nito.

“Anong meron? Bakit ganyan mukha mo?” tanong ko sa kanya. Hindi nag-iba ang expression ng kanyang mukha.

Hala siya

”Bakit?” tanong ko ulit sa kanya. “Kung makatingin ka sa akin, kala mo may ginawa akong masama e”

Ano ba ang problema nito.

“Meron!” sabi niya at inikitan ako ng mata.

”Ano ba kasi ‘yon? Nantitrip ka lang e” porque wala si Giselle, ako na magtitrippan niya????

“Sino si Xyrien?” tanong niya na nakataas pa ang isang kilay.

Xyrien?

“Aba, malay ko?” sabi ko sa kanya, “bakit ang random mo??”

“Bakit sabi ni Giselle kilala niyo raw siya?”

Ha?

Anong kilala namin?

Wala nga akong kilala na Xyrien?? Sinungaling talaga ‘yang si Giselle, juskooo!

“Pinagsasabi mo, Ning? Alam mo naman hindi ako palagala ‘di ba? Tsaka, wala akong kilalang Xyrien. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ‘yan” paliwanag ko sa kanya.

“Sinungaling” bulong nito pero narinig ko rin siya.

“I’m telling you honestly, Ning. Kahit tanungin mo pa si God!” I exclaimed.

Aminado akong nagsisinungaling ako minsan, pero may purpose naman kaya ko ‘yon ginawa. I know na masama ‘yon, pero basta.

“Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, ikaw ba o si Giselle. Parehas kasi kayong sinungaling. Mag pinsan talaga kayo.” aniya sa naiinis na tono nito.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now