Chapter 19

132 5 0
                                    

Panibagong araw, panibagong gawain na naman. Sunod-sunod talaga gawain namin, tapos ‘yung deadline sa susunod na linggo na. May iba rin na sa susunod na araw na.

Tssk.

Nai-perform na pala namin ‘yung sa P.E na Performance Task, no’ng nakaraan lang. Buti naman kung gano’n kasi na-sstress na talaga ako sa mga kasamahan ko. Buti nalang mahaba-haba pasensya ko.

Papunta na pala kami sa canteen ngayon. Sinamahan ko lang itong si Ningning kasi gusto niya raw bumili ng C2 tsaka no’ng Piattos. Kaya sinamahan ko na lamang kasi wala kaming class sa third subject namin. Nanganak kasi ‘yung asawa ni Sir Ben, kaya ‘yon hindi siya makakapasok ngayon.

Pagkatapos makabili ni Ning ay agad na kaming naghanap ng pwesto na mauupuan. Nagtingin-tingin ako at may nakita akong bakanting upuan sa pinakadulo, kaya agad kong hinila si Ning papunta ro’n. Kanina pa kasi ako tayo nang tayo.

Umupo na agad ako at inilipag ‘yung bag sa mesa. Agad kong kinuha ang aking phone at naki-connect ng Wi-Fi rito. May free Wi-Fi rito sa canteen pero tig-iisang oras lang tapos once a day ka lang makakagamit. Pero okay na rin ‘yun.

Pumunta muna ako sa Gmail ko at may nakita akong New Announcement galing sa P.E teacher namin. Ewan ko ba rito, minor subject lang naman itong P.E pero grabe ‘yung mga gawain! Dinaig pa mga major subjects.

New Announcement

Good day, Everyone!
I hope you are all doing well. I wanted to remind those groups who failed to perform during our PT session, that they are welcome to message me through Facebook messenger.

Thank you!

“Anong announcement ni Ma’am? Wala akong load” Tanong ni Ning, habang kumakain.

Pinakita ko na lamang sa kanya ‘yung announcement.

“Ay, meron pala sa atin? Akala ko lahat tayo nakapag-perform.” sabi nito at uminom ng C2. Nag offer pa ito sa akin ng Piattos, pero tinanggihan ko ito. Busog pa talaga ako.

“Marami. 10 groups meron sa atin, tapos mga 7 or 8 groups lang yata ‘yung nakapag-perform.” paliwanag ko sa kanya.

“Seryoso? Akala ko lahat.”

Nakita kong papalapit sa amin si Yeji. Madami itong dala na pagkain. Simula pala no’ng naging honest ako sa kanya, hindi na niya ginagawa ‘yung mga ayaw kong gawin niya sa akin.

“Pa-share ako, ayos lang ba?” sabi nito at nilingon-lingon kami ni Ning.

“Oo, ayos lang naman” sagot ni Ning. Tumabi naman agad si Yeji kay Ning.

“Salamat. Puno-puno na kasi ‘yung ibang upuan dito.” ani Yeji.

“Walang problema” sabi ko na lamang.

“Baka gusto niyong kumain, kuha lang kayo. Hindi ko naman ito mauubos lahat.” ani Yeji, at nakita kong kumuha nga si Ning ng fries. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito.

“Ikaw Winter?” umiling lamang ako, dahil busog pa talaga ako.

Habang kumakain si Yeji at Ning, nilibang ko nalang ‘yung sarili ko gamit ang aking selpon. Susulitin ko na rin itong free Wi-Fi here. May Wi-Fi naman do’n sa classroom namin, pero ang bagal kasi. Hindi gaya rito, na hindi ma-lag.

Naglaro ako ng SuperStar SM. Ilang araw na akong hindi nakakapaglaro nito dahil naging busy ako. Kaya bumaba ‘yung rank ko. Naging Silver I nalang.

Ayos lang ‘to, bawi nalang ako kapag wala ng pasok.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now