Chapter 2

330 10 3
                                    

Nakarating na ako sa aming classroom. Buong akala ko talaga ay mala-late ako sa first subject namin.

“Hoy!” biglang sigaw ni Ning. Akala mo talaga sobrang layo namin sa isa’t-isa e. Kung makasigaw ‘to.

“Pwede bang tumahimik ka. Ingay-ingay mo.” sabi ko sa kanya.

“Ang tahimik mo kasi e”

“Nawa’y ikaw rin.” sabi ko.

Nakita ko ‘yung mukha niya. Parang gusto niya akong suntukin, buti nalang at biglang bumukas ‘yung main door ng classroom namin at iniluwa ang isang napakagandang dalaga.

Guro ba ‘to?

Ang ganda naman.

Bading.

“Good morning, Everyone!” biglang sabi nito at agad naman kaming napatayo.

“Am I late?” she asked us.

“But, anyway, I just came here to Introduce myself.” sabi ni Ma’am.

“My name is Vian Celeste Fin, I am your Major Subject teacher. You can call me Miss Fin or Miss Vian. I don’t want to be called by my second name. Please.” Ma’am said to us.

“You guys no need to introduce yourself here in front. We have a meeting kasi now. And, I think, ngayong 9 na siya magsisimula. So, I will dismissed you guys already.” sabi ni Ma’am at agad naman itong umalis.

Sana pala ‘di nalang ako pumasok kung ganito lang din naman. Tsss

“Girl, ang panget talaga ng mukha mo. Anyare na naman sa ‘yo?” tanong ni Ning sa ‘kin.

“Wala naman.” sagot ko na lamang.

Kinuha ko ang aking phone na kanina pa vibrate nang vibrate.

“Hoy, sino ‘yan?” biglang sabi ni Ning sa ‘kin.

Kailan kaya mananahimik bunganga ni Ning.. Ang ingay.

“None of your business.”

“Sige, sino ba naman ako.” sabi nito nang nakayuko pa.

Bahala ka d’yan.

Tinignan ko na ang aking phone na kanina pa nga vibrate nang vibrate. Nakita ko ang notification nito, mensahe galing sa pinsan kong ‘di naliligo.

Siya si Giselle. Pinsan ko sa side ni Papa. Close na close kami no’n and even now na hindi kami same school, we communicate pa rin.

Giselle:
[I will visit sa house niyo later!]

Ano na naman gagawin niya roon?

Me:
[At bakit naman?]

Biglang kong nakita si Ning papatayo. Saan na naman kaya ‘to pupunta?

“Hoy, saan ka?” tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako pinapansin at tuluyan na itong lumabas.

Anyare sa kanya?

Giselle:
[Isusumbong kita kay Tita, ah. Ang pangit ng ugali mo.]

Me:
[Oo, kamukha mo nga eh] reply ko sa kanya.

                  [ Time skipped ]

“Ma?” tawag ko kay Mama. Walang sumagot.

Saan kaya si Mama...

Nagpunta ako sa kusina at may nakita akong note sa may mesa.

Kinuha ko ito at binasa.

[Anak, late na akong makakauwi ngayon. May pupuntahan muna ako. Don’t wait for me na, okay? Eat ka na rin d’yan. I love you.]

Bigla akong nagulat sa sobrang lakas ng pagbukas ng aming pintuan. Nakita ko ang aking pinsan na maraming bitbit. Hindi ko ito pinansin at nagtungo lamang sa sofa namin.

“Are you blind?” she asked me while putting down the bags.

“Wala si Mama rito.” sabi ko at kinuha ‘yung remote at binuksan ang TV.

“Where is Tita ba? You didn't tell her ba na pupunta ako rito?”

“Hindi.”

Ang lag ng Wi-Fi.

“I bought you an Ice cream. Do you want to eat?” plus points ka sa ‘kin dahil d’yan.

“Saan?” sabi ko at binitawan ang remote.

“Wow?” tinignan ko na lamang ito at hinanap ‘yung ice cream na sinabi niya.

“How’s school?” she asked me while facing her phone.

“Maayos naman.” I said.

Cookies and cream talaga pinakasarap.

“Buti naman kung gano’n.”

“How about you? Wala ka talagang balak na lumipat sa SMU?”

“I don’t have any plan to transfer. You miss me so much?” muntikan ko ng mailuwa ‘yung ice cream na kakasubo ko palang.

“Mandiri ka nga!”

“Hala, si Winter. Parang tanga ‘to. Miss mo ‘ko ‘no? Aminin mo.” kinuha ko ‘yung water bottle na nasa mesa at itatapon ko sana sa kanya. Subalit,  tumakbo na agad ito.

“Ito naman, ‘di mabiro.”

“Kadiri ka kasi.” sabi ko rito. “Tsaka, ano bang ginagawa mo rito?”

“Siya pa rin?” she asked me.

Wala akong narinig.

“Silent means... ”

“I’ll be going na, Winter. Salamat sa pag welcome mo sa ‘kin, ha? Sobrang na appreciate ko talaga.” sabi nito.

“No worries.”

“Ba’t ba kita naging pinsan.” reklamo nito at tuluyan na nga siyang umalis.

Ganyan po ang aming bonding mag pinsan.

Charot.

Kinuha ko ang aking phone at nagtungo sa messages para i-message si Giselle.

Me:
[Salamat sa Ice cream, Gi. Nawa’y bukas ulit.]
[Please lang. Kung pumarito ka, maligo ka naman. Ang baho mo pa rin!]

Giselle:
[Wow???? Sige, ganyanan.]

Me:
[Charot!]
[Ingat ka sa pag-uwi mo, ha? Clumsy ka pa naman.]

Giselle:
[Sabi ng nahulog sa kanal dati. :)]

Me:
[Kalimutan mo na ‘yon!!]

Giselle:
[HAHAHAHAHAHAHAHAHHAH bye.]

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now