Chapter 33

178 6 3
                                    

A/N: SEPARATE FICTION FROM REALITY.

W’s POV

Tomorrow is our last day for this semester. Maayos naman ang sem na ito, medyo nakakapagod lang kasi marami talaga kaming ginagawa. Hindi lang halata kasi puro landi ’yung inuuna ko.

CHAROT

Kahit gano’n ako nuh nag-aaral ako nang maagi, para sa future namin ni Karina emz. Gusto ko kasi maging engineer. Ang layo sa strand ko ngayon, pero bahala na.

So, bukas na rin pala ako magpe-perform. Muntik ko ng makalimutan. Sa dinami-rami ba kasing nangyayari e, kaya nawawala na talaga sa aking isipan. Buti nalang at pinapaalala na naman sa akin ni Kaye kanina, kaya ‘yun.

Undecided pa rin ako sa kakantahin ko para bukas. Gusto ko kasi ‘yung unique chos. Ayokong kumanta lang ako bukas, gusto ko rin na tumugtog pero hindi ko alam kung anong instrumento ang gagamitin ko.

Nagdadalawang isip ako if piano ba or guitar. Gusto ko nga magtanong sa girlfriend ko, pero huwag na pala. Hindi niya kasi alam na marunong akong tumugtog, so parang surprise na rin ‘yun para sa kanya bukas.

Tahimik lang ako rito sa kwarto ko. Kakakita lang kasi namin ng girlfriend ko kanina, nag date lang naman kami at kasama namin si Seulhyun. Sa ngayon, hindi naman nagseselos si Karina sa pamangkin niya. Maayos na, hindi gaya nung nakaraang araw. Cute-cute niya nga nun e’ akala mo talaga ipagpapalit sa pamangkin niya.

Nakaupo ako ngayon at tamang pinagmamasdan ang sinulat kong kanta. Dati ko pa ito sinimulan pero hindi ko na kasi alam kung ano ang kasunod tapos pa, nawala ‘yung recorded ko noon kaya hindi ko na talaga maalala.

Kapag kasi bored ako, nagsusulat ako ng kanta pero dati lang ‘yun. Ngayon kasi ay wala na akong dahilan para ma-bore. Palagi ba naman akong pinupuntahan ni Karina, sino pa mabo-bore diba. Tsaka, masayang kasama si Karina. Hindi ka talaga makakaramdam ng gano’n kapag siya ang kasama mo.

Naisipan kong kunin ang lagayan ng aking diary. Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakasulat dito. Kinuha ko ang box at iniisa-isa kong nilabas ang laman nito.

Maliban kasi sa diary, meron din itong mga litrato ni Karina noon. I took this without her knowing. Ito ‘yung time na baliw na baliw ako sa kanya, hanggang ngayon din naman pero dati kasi, crush ko lang siya, but now, girlfriend ko na.

Kapag nakikita ko si Karina sa campus noon, agad kong nilalabas ang phone ko para kunan siya ng litrato pero palihim lang.

Meron ngang araw nun na nakita ko si Karina sa cafeteria but that time, maraming umaaligid sa kanya. Marami ring students kaya nahihirapan akong kunan siya ng litrato pero kahit mahirap, kinaya ko.

But something happened din that time. May bumangga kasi sa akin kaya naman nalaglag ‘yung phone ko, at dahil do’n nasira ‘yung phone ko. May nakaapak din kasi kaya ‘yun nasira talaga.

Tapos that time rin, hindi ako nag wo-worry sa phone ko, nag wo-worry ako sa mga litrato ni Karina doon. Kahit masira na phone ko, huwag lang talaga mawala ‘yung mga pictures niya.

Kinabukasan nun ay bumili ako ng bagong phone tapos kinuha ko ‘yung SD card ko, then ‘yun, sobrang saya ko kasi nandoon pa rin ‘yung mga kinuha kong litrato ni Karina tapos ito na siya ngayon, pina-print ko then pinagawa kong polaroids ‘yung iba.

Ibibigay ko naman ito sa kanya, but when I asked her if okay lang ba na mag-take ng picture of someone without their consent ay parang hindi talaga siya sang-ayon sa ganoon. Kaya sa susunod ko nalang talaga ito ipapakita, at pati na rin ang diary ko.

Nahihiya pa rin kasi akong pababasahin sa kanya ang diary ko, since puro ka-jejehan lang sinusulat ko dito pero gusto ko talagang mabasa niya para na rin malaman niya kung gaano ako ka baliw sa kanya noong junior high school pa ako, up until now.

Always Yoo | winrina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon