Chapter 23

140 6 0
                                    

Masaya kong binasa ang anunsyo sa aming group chat. Magkakaroon daw kami ng intramurals sa susunod na linggo. Kaya pala sunod-sunod ang mga deadlines this week kasi may intrams next week.

Ganyan ‘yan sila. Kapag sunod-sunod ‘yung pasahan, asahan mong may kaganapan na mangyayari.

Nag message na ako kay Ning kung tapos na ba siya sa mga gawain niya. Nag reply naman ito sa akin na tinapos niya na raw noong nakaraang araw pa. Hindi nga ako naniniwala e kasi minsan tamad din ‘yang babaeng ‘yan. Saka lang siya gagawa kapag due date na.

Alas singko na ng hapon ng na-isipan kong maglinis ng bahay. Hindi naman siya makalat pero may mga dumi ka pa ring makikita. Wala rin naman akong ginagawang gawin sa school ngayon dahil natapos ko na itong ginagawa kanina at napasa ko na rin.

Nagpunta muna ako sa banyo namin at sinimulan ko ang paglilinis do’n. Pagkatapos kong maglinis sa banyo ay diretso na ako sa aming kusina. Hinugasan ko ang mga plato at agad ko rin itong inilagay sa lagayan.

I also went to our living room and swept the floor. I can still see my things scattered on the floor. I watched a K-Drama last night and was bored, so I continued watching the K-Drama that Karina had started. Then I guess I’m on episode 09. I was very excited last night. It’s the first time I’ve seen a man na kinikilig talaga. Pati ako nadadamay kaya ‘yun, my stuff ends up everywhere.

As usual, hindi umuwi si Mama kagabi at si Tita Tiff. Nasanay na rin ako na wala sila dito sa bahay, pero sa tuwing namimiss ko sila ay nakikipag-video call ako. Nag so-sorry pa sila sa akin dahil parang wala na raw silang time sa akin, at parang napapabayaan na raw nila ako.

Minsan talaga nakakatampo sila kasi palagi nalang akong naiiwan dito sa bahay, tapos ang tahimik pa. Matagal-tagal na rin palang lumipat ng ibang lugar ‘yung kapitbahay naming nag vivideoke palagi.

Habang naglilinis ako ay biglang bumukas ang aming pintuan. Iniluwa nito si Giselle na akala mo hinabol ng kung anong nilalang sa labas. Hingal na hingal ito.

Saan ba ito nanggaling?

As a concern cousin, kumuha ako ng water bottle sa aming refrigerator at agad ko itong inabot sa kanya.

Nagulat naman ito sa aking ginawa, “Oh, thanks!” pasasalamat nito sa akin.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at agad itong umupo sa aming couch na naka cross arms pa ito.

“What are you doing here?” pag-eenglish ko sa kanya.

“I’m just visiting my super duper adorable cousin” sambit nito at nakangisi pa.

Pag ganyang ngisi alam kong may nagawang kasalanan e tapos sa akin hihingi ng tulong

“Visiting your face!” naalala ko tuloy ang mensahe sa akin ni Karina. Hehe. Ang cute talaga magselos.

“So, ano tawag mo rito?” pang ngu-question nito sa akin.

“Oh, ba’t hingal na hingal ka kanina? May ginawa ka na namang hindi maganda ‘no?” tanong ko rito.

Nakakamot ito na kanyang batok, “Tumakas ako sa amin tapos hinabol ako ng aso,” patuloy pa rin ito sa kanyang pagkamot.

“At bakit ka naman tumakas?”

“Kasi naman”

“Ano?”

Huminga ito nang malalim, “Hindi ako pinapansin ni Ningning” malungkot na aniya. “I need your help”

Sabi ko na e!

“Anong meron at bakit hindi ka niya pinapansin?” curious kong tanong sa kanya.

Always Yoo | winrina Onde histórias criam vida. Descubra agora