Chapter 3

216 10 0
                                    

Hindi ko alam, pero ang weird ni Ning today. Dahil ba sa inasta ko kahapon, kaya siya ganito?

Kasalanan ko ba ‘to?

Tanungin ko ba, or ‘wag nalang?

“Winter!” biglang tawag sa ‘kin ng isa kong kaklase. Nilingon ko ito, “Ano ‘yon?”

“Pwede bang samahan mo ‘ko mamaya sa room 298?”

Ha? bakit ako?

“What time?” sabi ko. Bigla naman itong ngumisi. “Ayos lang sa ‘yo?”

What if bawiin ko?

“Yeah.”

“Mamaya pa namang 1pm.” sabi nito sa akin.

“Sige, noted.” sabi ko sa kanya.

After kong maka-usap ang isa kong kaklase ay tinawag ko si Ning. Subalit, hindi niya ata ako narinig.

“Yz.” I called her.

Ano ba kasing nangyare sa kanya????

Bigla na lamang itong tumayo nang hindi man lang ako pinansin.

Hala siya????

Sinundan ko ito.

Alam niyang sinusundan ko siya pero parang wala pa rin ‘yon sa kanya.

I'm not a ghost. Istg.

Lumingon na ito sa ‘kin.

Yes, thank God.

“Can you please stop following me?”

?????

She said what???

Did I hear that right?

“Can you please tell me what’s wrong with you? Are you being upset of what I've done to you yesterday?” I asked her. Hindi niya ako pinansin, at patuloy pa rin ito sa paglalakad.

“Stop following me please.” aniya.

Ano ba kasi ang ginawa mo, Winter?

Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Wala rin naman akong magagawa. Maybe she’s mad at me talaga.

Pumunta na lamang ako sa Canteen dahil gutom na gutom na rin ako. It’s already 9:30, at hindi ako nakapag take ng breakfast earlier kasi wala akong gana.

While waiting sa inorder ko.

Andaming tao sa labas ng Canteen.

Wait...

Tumayo ako para tignan kung sino ‘yung pinag guguluhan sa labas.

Oh.

Her.

I saw her.

I saw Karina.

The one and only, Karina Yoo.

Kahit nasa malayo siya ay kitang-kita ko pa rin ‘yung napakagandang mukha niya. Ang ganda niya talaga.

Nakakabading.

Bigla akong natauhan dahil sa isang waitress.

“Here’s your order, Miss.” sabi niya at umalis na.

Parang nasa restaurant lang ‘yung Canteen here sa SMU.

Tinignan ko ulit ‘yung kinaruruan ni Miss Yoo kanina, but wala na siya rito.

Kaya pala biglang tumahimik ‘yung paligid.

Kinain ko na ang aking inorder dahil hindi ko na kaya talaga.

I’m so hungry.. God.

After eating the food that I ordered tumayo na ako at nilinisan ‘yung pinagkainan. This is not my obligation to do, but we need to normalize doing this after nating kumain.

Malinis na ang table at tuluyan na akong umalis papuntang classroom namin.

“Winter? Saan si Ning?” Yeji, one of our Classmates.

“Ha? ‘di pa ba siya bumalik dito, simula kanina?”

“Hindi.”

“Hindi ba kayo magkasama no’n?”

“Hindi e. Parang naiinis kasi ‘yon sa ‘kin.” saad ko sa kanya.

Pareho kaming napalingon nang bumikas ang Pintuan.

“Good Day, Class” Our adviser greeted us.

Where the hell are you, Ning?

“So, for today. We have an activity. This is by pair.”

“Ma’am, pwede tatlo?”

Bigla na lamang akong natawa sa tanong ng aking kaklase.

Hindi rin naman ako nag umagahan, pero maayos naman pag-iisip ko.

“As what I have said. This is a by pair activity. Stop asking nonsense.” ika ni Ma’am.

By pair na nga, tapos mag aask pa if pwede bang tatlo.

Kung ganyan man. Edi, sige, gawin nating dalawa ang solo.

Sheess

Anong connect, Winter?

“Ma’am?” tawag ko sa aming guro.

“You will be asking ba if pwede ang apat?”

“Di po, Ma’am.” I said.

“Then, what is it, Ms. Kim?”

“Is it okay po if ‘yung partner ko ay wala po rito? She’s sick po kasi, that’s why she is not around po.” pagsisinungaling ko kay Ma’am.

Lord, alam kong masama ‘yung pagsisinungaling. Nawa‘y patawarin mo po ako. Ayoko pong makakuha si Ning ng zero score sa Activity na ito.

“Who is she?”

“Ning Yizhou po, Ma’am.” sagot ko naman.

“If you can do it alone, then, It’s okay for me. As long as you can submit before 4pm”

Kaya ko ‘to, ako pa.

“Sige po, Ma’am.”

“Thank you po.” sabi ko at tumango lamang si Ma’am.

Me:
[Feeling ko pasasalamatan mo ‘ko today.]
[Pero, saan ka ba ngayon, Ning?]
[Nag cutting class ka pa!]
[Tell me what is wrong, please?]
[Para hindi ko na maulit kung ano man ‘yung nagawa kong kasalanan sa ‘yo.]
[Ingat ka kung nasaan ka man ngayon.]

Itinago ko na ang aking phone at patuloy kong ginagawa ‘tong by pair na activity.

“Winter, sa may library lang ako maghihintay, ah? Nag sabi na rin ako na 2pm na ako pupunta doon” sabi ni Chaewon sa ‘kin.

I almost forgot.

“Ay, Oo, sige-sige.” sabi ko nang nakangiti.

Umalis na siya nang tuluyan.

Ano ba ang gagawin namin doon?

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now